ni ROBERT REQUINTINA
Umabot na sa 19 na bansa ang nag-backed out sa 69th Miss Universe competition dahil sa travel restrictions na ipinatutupad kaugnay ng patuloy na pananalasa ng COVID-19.
Kabilang sa mga bansang ito ang Angola, Bangladesh, Egypt, Equatorial Guinea, Georgia, Germany, Guam, Kenya, Lithuania, Mongolia, Namibia, New Zealand, Nigeria, Saint Lucia, Sierra Leone, Sweden, Tanzania, Turkey, at U.S. Virgin Islands.
Nasa 74 na kandidata sa buong mundo ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa 69th Miss Universe competition na gaganapin sa Hollywood, Florida sa Mayo 16 (May 17 sa Manila). Nahahati sa tatlong rehiyon ang mga bansa—ang Europe, Americas, at Africa & Asia.
Naghahanda na ang mga kandidata para sa kumpetisyon. Ngunit una rito, karamihan ay kinakailangan munang mag-stopover sa ibang bansa para sa isang two-week mandatory quarantine bago lumipad patungo ng Amerika. Inaasahang darating ang mga kandidata sa Florida sa Mayo 6-7
Narito ang full schedule of activities para sa 69th Miss Universe competition:
Sinusunod ng Seminole Hard Rock’s Safe + Sound protocols ang katulad na guidelines na ipinatupad sa matagumpay na 2020 MISS USA Competition, na idinaos sa Memphis, Tennessee noong Nobyembre.
Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagsusuot ng mask, social distancing, quarantining upon arrival at rigorous testing.
“We are thrilled to partner with The Miss Universe Organization in putting on an innovative event under unique circumstances that will lean heavily on our industry-leading Safe+Sound protocols to prioritize the well-being of all event participants,” pahayag ni Keith Sheldon, President of Entertainment for Hard Rock International and Seminole Gaming.
“While safety will be at the forefront, we also look forward to showcasing the Hard Rock brand and all that our flagship Guitar Hotel property has to offer to audiences around the globe.”