Ni Edwin Rollon
ALCANTARA — Pinatunayan ng MJAS Zenith-Talisay City ang pagiging pre-tournament title-favorite.
Napanatili ng Talisay City Aquastars ang malinis na marka sa pagtatapos ng first round nang pabagsakin ang Tabogon, 85-65, nitong Martes para sa ikalimang sunod na panalo sa Alcantara Civic Center sa Cebu.
Matikas na nakihamok ang Tabogon sa kaagahan ng laro at nakadikit sa 34-39 sa unang minuto ng third period, ngunit humaribas ang Aquastars , tinaguriang pre-tournament favorite bunsod ng presensiya ng mga tigasing ex-ABL playersL tungo sa 28-10 run para palawigin ang bentahe sa 23 puntos, 67044, tungo sa final period.
Sa final period, hindi na bumitaw ang Aquastars, sa pangunguna nina marksman Patrick Cabahug, athletic wingmen Egie Boy Mojica at Jaymar Gimpayan, na nagsalansan ng 26 puntos sa matikas sa scoring run tungo sa ikalimang sunod sa sis-team tournament.
Nagsalansan sina Cabahug at Mojica ng tig-13 puntos. Nag-ambag si Gimpayan ng siyam na puntos at siyam na rebounds, habang kumana si big man Jhaymo Eguilos ng walong puntos, pitong rebounds, tatlong assists, at tatlong blocked.
Sa kabila ng dominanteng kampanya sa first round, ayaw pakampante ni MJAS-Talisay head coach Aldrin Morante.
"Yung mga teams paghahandaan kami niyan kaya hindi kami puwede magkumpiyansa," pahayag ni Morante. "Babalik na rin yung mga players ng ARQ kaya dapat namin paghandaan 'yun."
Nanguna sa Tabogon si Cebuano star Gayford Rodriguez na may 18 puntos at limang rebounds. Ang 6-foot3 na si Rodrigiez ay dating PBA draftee ng Rain or Shine. Kumasa naman sina Arvie Bringas sa naiskor na 16 puntos, 10 boards, dalawang assists, at dalawang steals, habang tumipa si Joemari Lacastesantos ng 13 puntos at apat na rebounds.
Sisimula ng MJAS-Talisay ang kampanya sa second round laban sa Tubigon Bohol ganap na 3:00 ng hapon sa Huwebes, habang makakaharap ng Tabogon ang ARQ-Lapu Lapu ganap na 6:00 ng gabi.
Iskor:
Talisay (85) -- Cabahug 13, Mojica 13, Gimpayan 9, Eguilos 8, Moralde 7, Dela Cerna 6, Villafranca 4, Hubalde 4, Albina 3, Alvarez 3, Santos 2, Menina 2, Ugsang 2, Cuyos 0.
Tabogon (65) -- Rodriguez 18, Bringas 16, Lacastesantos 13, Delos Reyes 5, Orquina 3, Vitug 3, De Ocampo 3, Sombero 2, Bersabal 2, Diaz 0, Caballero 0.
Quarterscores: 23-13, 39-34, 67-44, 85-65.