ni ORLY BARCALA

Tinadtad ng saksak ang isang saleslady matapos umano itong pumalag habang hinoholdap ng isang lalaki ang binabantayan nitong undergarments shop sa Malabon City, nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa Ospital ng Malabon si Maribeth Camilo- Goco, 47, may asawa, at residente ng Gen. Luna, Bgy. Baritan ng nasabing lungsod, dahil sa mga saksak sa katawan.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspek na si Leo Ifsor, 39, ng 635 Magat Salamat St., Daang Hari, Navotas City.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nagbabantay ang biktima sa pinapasukang establisimyento sa General Luna Street, Barangay Baritan, nang biglang holdapin ni Ifsor, dakong 1:00 ng hapon.

Gayunman, kinalmot umano ng biktima ang mukha ng suspek kaya ito sinaksak.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery with homicide.