LOS ANGELES (AFP) — Ramdam ang kahinaan ng Lakers sa pagkawala ni LeBron James.

Nahila sa apat na sunod ang kabiguan ng defending champion nang gapiin ni Philadelphia Sixers, sa pangunguna ng Danny Green na kumana ng 28 puntos, tampok ang walong three-pointer, 109-101, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag si Seth Curry ng 19 puntos at kumana si Tobias Harris ng 17 para sa ika-apat na sunod na panalo para sa Eastern Conference-leading Sixers. Nakubra nila ang ika-10 sa huling 11 laro at 7-of-8 na wala ang injured star na si Joel Embiid.

Nanguna si Kyle Kuzma sa Lakers na may 25 puntos. Ito ang ikalawang four-game skid ng Lakers mula nitong Pebrero. Sidelined sa injury sina James at forward Anthony Davis.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

KNICKS 106,WIZARDS 102

Sa New York, winalis ng Knicks ang twogame duel laban sa Washington Wizards.

Hataw si Alec Burks sa naiskor na 27 puntos, habang kumana sina RJ Barrett ng 24 puntos, 10 rebounds at limang assists para sa Knicks.

Nitong Miyerkoles, ginapi ng Knicks ang Wizards, 131-113.

Nanguna si Bradley Beal sa Wizards na may 26 puntos at siyam na assists, habang kumana si Russell Westbrook ng 13 puntos, 18 rebounds at siyam na assists.

TRAIL BLAZERS 125, HEAT 122

Sa Miami, naisalpak ni Damian Lillard ang tatlong free throws sa krusyal na sandali para sandigan ang Portland Traliblazers laban sa Miami Heat..

Tumipa si CJ McCollum ng 35 puntos, habang kumana si Lillard ng 22.

Nanguna sina Bam Adebayo at Tyler Herro sa Miami na may tig-29 puntos.

KINGS 141, WARRIORS 119

Sa Sacramento, naitala ni Aaron Fox ang career-best 44 puntos sa panalo ng Kings laban sa Golden State Warriors.

Hataw din si Tyrese Haliburton na may 21 puntos at career-high six 3-pointers, habang humugot si Richaun Holmes ng 25 puntos at 11 rebounds para sa Kings.

Nanguna si Andrew Wiggins sa Warriors na may 26 puntos.

Patuloy ang pagkawala ni All-Star Steph Curry sa iniindang tailbone inujury, habang hindi nakalaro si Draymond Green sa Warriors.

Sa iba pang laro, dinaig ng Los Angeles Clippers ang San Antonio Spurs, 98-85.