Ni REMY UMEREZ

Nakilala si JM de Guzman bilang isang seryosong aktor. Natural siyang umarte mapa-drama man o romantic comedy. Ibang direksyon ang tinatahak ni JM sa pelikulang Topakk. Artista at co-producer ng pelikulang produced by MMA(mixed martial arts). Tinatalakay ng istorya ang mental heath issues at ang panganib ng addiction.

Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya

“Marami akong unpleasant experiences na hindi lingid sa kaalaman ng lahat. They are painful. Ang karakter ay isang ex-soldier suffering from PTSD (post-traumatic stress disorder) due to war shock. Ninais kong magbagong-buhay at along the way met old friends na may topak,” pagbabahagi ni JM tungkol sa kanyang bagong movie.

Para sa role nag-training siya on mixed martial arts under Erwin Tulfo. Hangad ni JM itaas ang level ng Filipino action films at mabigyan ng trabaho ang mga stuntmen sa panahon ng pandemya.