NEW YORK (AFP) — Ginapi ng New York Knicks, sa pangunguna ni All-Star Julius Randle na may 27 puntos, 16 rebounds at pitong assists, ang Detroit Pistons, 114-104, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag si RJ Barrett ng 21 puntos para sa Knicks na umabante sa 19-18 sa unang season ni coach Tom Thibodeau. Nagminstis ang Knicks sa playoffs sa nakalipas na pitong season at kasalukuyan nasa No.5 sa Eastern Conference standings.

SUNS 120, WARRIORS 98

Sa Phoenix, sinamantala ng Suns ang kakulangan sa scorer ng Golden State Warriors para maitarak ang karta sa 24-11 bago ang All- Star break.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi nakalaro sa Warriors sina two-time MVP Stephen Curry (rest), Draymond Green (ankle) at Kelly Oubre Jr. (wrist).

Sa iba pang laro, naungusan ng Washington Wizards ang Los Angeles Clippers, 119-117; naihawla ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 132-125; nalusutan ng Milwaukee Bucks ang Memphis Grizzlies, 112-111; natusta ng Miami Heat ang New Orleans Pelicans, 103- 93; nagwagi ang Denver Nuggets sa Indiana Pacers, 113-103; pinataob ng Oklahoma City Thunder ang San Antonio Spurs, 107-102.