ni Bella Gamotea

Inihayag kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na nirerespeto at tutugon ang mga alkalde ng Metro Manila sa naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na “no vaccine, no MGCQ (Modified General Community Quarantine)”.

Iginiit ni Abalos na ang Metro mayors ay laging nakabase sa anumang desisyon ng Pangulo.

“As what we have always emphasized, the Metro Manila mayors would always defer to the wisdom & judgement of the President. We are one with him, and would exert all efforts & rally behind him in combating this Covid-19 pandemic,” pahayag ni Abalos na kasalukuyang

National

Cynthia Villar, nasaksihan bilang ina pagsisilbi ni Camille Villar sa bayan

Chairman din ng Metro Manila Council (MMC), ang policy at governing body ng MMDA.

Kamakalawa ng gabi nang sabihin ng Pangulong na hindi dapat na ipatupad ang MGCQ sa bansa hangga’t wala pa ang mga bakuna ng COVID-19 dahil mapanganib na magkaroon ng hawaan.

Naunang ng ipinalabas ang napagkasunduan ng mga Metro Manila Mayor’s na ilagay sa MGCQ sa buwan ng Marso ang NCR subalit ito ay nasa desisyon ng IATF at ng Pangulong Duterte kung papayagan sila na ipatupad ito.

Layunin ng Metro Mayor’s na dahan-dahang buksan ang ekonomiya subalit tutol ang Pangulo na ilagay sa MGCQ para na rin sa public health safety.