Ni NITZ MIRALLES

NAGSALITA si Joshua Garciasa paggawa ng music video ng Paubaya kasama ang ex-GF niyang si Julia Barretto. Bakit nga ba pumayag siyang gawin ang project?

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

“Simple lang ang sagot ko diyan—yung friendship naman nila Moi, nila Kuya Jason and Julia. Yun yung isa sa nagpa-OO talaga sa akin. Seryoso, totoo yun. Si Moi yung nag-ask sa akin eh. Sabi niya, “Okay ka ba to do this Paubaya? Napakinggan ko yung kanta. Sabi ko, “Ang ganda nito ah. Parang saktong sakto masyado sa amin.

“May script siya, kami yung gumawa- ako, si Moi, si Kuya Jason and si Jul. Kami yung gumawa apat. May script siya, siyempre may guide kung hanggang saan lang kayo. Pero yung sasabihin as an actor, kung saan ka komportable siyempre, kung saan mo mararamdaman.”

Sa tanong kung naging madala ba sa kanila ni Julia na magkatrabaho uli? “Oo naman. Ka-message ko nga si Kuya Jason before the shoot. Sabi ko sa kanya, ‘Bro, sigurado ako exciting itong mangyayari. Kasi parang doon na lang kami ulit nagsama-samaulit, Last project naming ginawa na magkakasama is Love You to the Stars and Back.