ni Chito A. Chavez at Jun Fabon

Pinag-aaralan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibilidad na alisin coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests bilang isang kinakailangan para sa mga manlalakbay.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa isang panayam sa ABS-CBN nitong Martes, Peb. 23 na ang mga manlalakbay ay kinakailangan na sumailalim sa klinikal na pagsusuri sa terminal of origin at terminal of destination.

Sa pagtingin sa posibilidad na maging hindi gaanong mahigpit sa mga pagsusuri sa COVID-19, nabanggit ni Densing na ang mga required pa ring sumailalim sa swabbing ay mga indibidwal na nagpapakita ng mga sintomas ng virus o nagkaroon ng pakikipag-ugnay sa mga pasyenteng nahawahan ng COVID-19.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Ngunit kung ang isang indibidwal ay malaya mula sa exposures na ito, kung gayon hindi na kakailanganin ang COVID-19 testing.

“Banggit po ng ating mga epidemiologists, as long as meron kang minimum health standards 95 percent po hindi po tayo makakapaghawa at hindi rin tayo mahahawa,’’ sinabi ni Densing. Nitong Peb. 22, isiniwalat ng DILG at ang Department of Tourism (DOT) na nagsisikap silang pasimplehin ang mga patakaran sa paglalakbay sa tourist destinations sa hangaring mapalakas ang turismo.

Sinabi ni Densing na kabilang sa uniform travel rules na isinasaalang-alang ay ang pagtanggal ng COVID-19 testing pati na rin ang pagbibigay travel authority at city health certificate. Samantala, sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi na kinakailangan ang negative COVID-19 test results para sa mga lokal na turista na papasok sa lalawigan.

Sa ilalim ng bagong Executive Order No.12 na inilabas, hindi na kailangan ang negative RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test mula sa mga turistang galing sa ibang lalawigan.

Ang mga kailangan ay lamang valid medical certificate na inisyu pitong araw

bago ang biyahe; pre-booking sa mga hotel and resort