Nina BETH CAMIA at AARON RECUENCO

Isang batang lalaki ang naiulat na nalunod dahil sa malawakang pagbaha sa Surigao del Norte habang ang dalawa pa ay nakalista bilang nawawala sa gitna ng pananalasa ng Bagyong ‘Auring’ sa Mindanao at maraming bahagi ng bansa na dala ang malakas na ulan.

Sinabi ni Mark Timbal, tagapagsalita ng Office of Civil Defense, na hindi pa nila maberipika ang naitalang nasawi sa Surigao del Norte at ang dalawa pang nawawala sa Surigao del Sur.

“Since the weather disturbance caused widespread flooding in those affected areas, we assume that the circumstances of these incidents are flood-related,” sinabi ni Timbal sa panayam ng BALITA.

Atty. Medialdea, may kuwento tungkol kay FPRRD matapos arestuhin ng ICC, dalhin sa The Hague

Sinabi ni Timbal na ang ‘Auring’ ay nagpalikas sa 31,884 na mga pamilya, na binubuo ng 121,970 katao. Halos lahat ng mga pinilit na umalis sa kanilang mga tahanan ay mula sa rehiyon ng Caraga. May kabuuang 566 na pamilya din ang lumikas sa rehiyon ng Davao, 18 pamilya sa Hilagang Mindanao at walong pamilya sa Bicol.

Sinabi ni Timbal na ang malawakang pagbaha ay sumira din sa 240 mga bahay sa rehiyon ng Davao at rehiyon ng Caraga, 60 sa mga ito ay ganap na nawasak.

Kumusta kayo?

Kaugnay nito, bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nabiktima ng Bagyong Auring sa Surigao.

Sa virtual presser ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nitong kabahagi ng itinerary ng Chief Executive ang makita rin nang personal ang lawak ng naging pinsala ng kalamidad.

Aniya, kukumustahin ni Pangulong Duterte ang mga nasalanta ng bagyo na sa datos na hawak ni Nograles ay nasa higit 29,000 pamilya ang naapektuhan habang nasa higit 18,000 mga pamilya ang kasalukuyang nasa evacuation centers.

Aniya, makakasama ng Punong Ehekutibo ang ibang cabinet members para mabilis na matugunan ang hihinging tulong sa pamahalaan ng mga apektadong residente.

Sa Surigao ang magiging destinasyon ng Pangulo at doon aalamin ang kalagayan ng mga nabiktima ng “Auring”.