ni Orly L. Barcala
Nasa kabuuang 19 na empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng Navotas City Hall ang nagpositibo sa COVID-19, batay sa ulat ng City Health Department.
Dahil dito, isasailaim sa swab test ang lahat ng mga kawani.
Naka-isolate na ang mga nagpositibo gayundib ang kanilang mga close contacts. Ayon sa City Health Department, pawang asymptomatic ang mga ito.
Magsasagawa ng general cleaning at disinfection sa city hall para matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at mga nagtutungo sa city hall.