ni Genalyn Kabiling

Sinabihan ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Vice President Leni Robredo na huwag sisihin ang gobyerno sa pagkaantala ng delivery ng coronavirus disease 2019 vaccines.

Pinaliwanagan ni Panelo si Robredo na kaya naantala ang pag-deliver sa bans ang Pfizer vaccines dahil sa usaping may kinalaman sa indemnification requirements.

Aniya, ang panukalang nagtatatag ng indemnification fund para sa taumbayan na makakaranas ng masamang epekto ng itinurok na bakuna ay nakabinbin pa sa Kongreso.

National

De Lima, nagsalita sa umano’y mga alegasyong ‘adik’ si PBBM

Nauna nang nagpahayag nang pangamba si Robredo kaugnay ng na-delay na programang pagbabakuna ng pamahalaan at sinabing naunahan na ng Bangladesh ang Pilipinas.

“Alam mo ikaw VP Leni. Parang ikaw hindi ka nagbabasa ng dyaryo, hindi ka nakikinig sa mga komentaryo. Mayroon naman Senate hearing, nagpapaliwanag naman ‘yan si Secretary Charlie Galvez at sinasabi kung bakit nade-delay at hindi natin kasalanan,” paliwanag ni Panelo nang sumalang ito sa kanyang programang “Counterpoint” nitong Sabado. Nilinaw ni Panelo, nais ng Pfizer, isa sa nagsu-supply ng bakuna sa bansa, na magkaroon ng legal protection sa mga posibleng kaso kapag nagkaroon ng kumplikasyon dulot ng bakuna.

Idi-deliver na sana sa Pilipinas ang 117,000 doses ng Pfizer sa tulong ng World Health Organization-led COVAX facility.

Nakabinbin ang pagdeliber nito dahil sa nakabintin pa rin ang pagpasa ng law na nag-oobliga sa gobyerno at hindi ang pharmaceutical firms, na magbayad sa mga nakitaan ng masamang epekto ng COVID-19 vaccines.

“Naghahanap sila ng indemnification clause. Kailangan daw mayroon tayong batas na ‘pag mayroon side effects itong Pfizer sa mga nagpabakuna, eh kailangan tayo ang managot. Tayo ang gumastos. ‘Yun ang naging dahilan,’ idinagdag pa ni Panelo