SALT LAKE CITY (AP) — Tila nakaidlip ang Warriors sa tugtugin ng Jazz.

Sa pangunguna ni Donovan Mitchell na kumana ng 23 puntos, pitong rebounds at anim na assists, sinopresa ng Utah Jazz ang three-time NBA champion Golden State, 127-108, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Naisalpk ni Stephen Curry ang limang 3-pointers para sa Warriors para mahila ang career three-pointer sa 2,562 at lagpasan ang retirado nang si Reggie Miller sa No.2 sa kasaysayan ng NBA. Nangunguna si Ray Allen na may 2,973.

“That’s pretty dope,” pahayag ni Curry, kumana ng kabuuang 24 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nag-ambag si Mike Conley ng 17 puntos, tampok ang limang 3s para sa Jazz, umarya sa pinakamalaking bentahe na 30 puntos sa halftime. Kumana si Bojan Bogdanovic ng 14 puntos, pitong rebounds at career-high eight assists.

Sa iba pang laro, naisalpak ni Joel Embiid, na may 33 puntos, ang dalawang free throws sa huling 7.2 segundo, sa panalo ng Philadelphia 76ers sa Detroit Pistons, 114-110; nagwagi ang Denver Nuggets sa Phoenix Suns, 130-126; nanaig ang Los Angeles Clippers sa Oklahoma City Thunder, 120-106; nagwagi ang Dallas Mavericks sa San Antonio Spurs, 122-117, at tinalo ng Toronto Raptors ang Miami Heat, 101-81.