IGINIIT ni San Miguel Beermen head coach Leo Austria sa kabataan, higit sa mga kababayan sa kanyang hometown Sariaya sa Quezon na huwag matakot at ipagpatuloy ang paghabi ng mga pangarap sa gitna ng patuloy na paglaban ng bansa sa Covid-19.

PINANGUNAHAN ni San Miguel Beer head coach Leo Austria ang pamimigay ng basketballs sa mga batang nakibahagi sa gift-giving activity sa San Miguel-Christian Gayeta Homes sa Sariaya, Quezon.

PINANGUNAHAN ni San Miguel Beer head coach Leo Austria ang pamimigay ng basketballs sa mga batang nakibahagi sa gift-giving activity
sa San Miguel-Christian Gayeta Homes sa Sariaya, Quezon.

Ayon kay Austria kaakibat ng kabataan sa katuparan ng kanilang pangarap ang San Miguel Corporation (SMC) na walang tigil sa pagsulong ng programa para maiangat ang kabuhayan ng Pinoy at matulungan ang pangarap ng mga kabataan na makalaro sa kolehiyo at sa professional league.

Sinabi ni Austria, 1985 PBA rookie of the year, na buhay na patotoo ang kanyang karanasan nang hindi siya sumuko para maiangat ang sarili at makalaro ng basketball sa amateur, commercial league hanggang sa PBA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Ang sabi ko nga sa mga bata, ako nga na tagarito sa Sariaya ay nagsikap at umabot sa PBA. Kaya’t kaya rin nila basta magsikap sila at malaking blessing na nandito na ang San Miguel sa Sariaya,” pahayag ni Austria.

Kabilang si Austria kasama ang kapwa PBA legend na si Alvin Patrimonio, at mga opisyal ng Sariaya, sa pangunguna ni Mayor Marcelo Gayeta at Lucena Bishop Mel Rey Uy sa inagurasyon ng 5.4-hectare San Miguel-Christian Gayeta Homes, na kinabibilangan ng covered at concrete basketball court, livelihood center, e-library, at children’s learning center.

Ipinahatid ni Austria ang pasasalamat kay SMC president and COO Ramon S. Ang sa pagkalinga sa 127 pamilya na inilipat sa P352 million sustainable housing community mula sa mapanganib na coastal areas ng Sariaya.

“Being in San Miguel changed my life. Ang sabi ko sa mga kababayan ko ay nagpakita ng malasakit ang San Miguel and ni Boss RSA (SMC president and COO Ramon S. Ang) nung lockdown at hanggang ngayon ay maaasahan nila yun. Magkakaroon ng trabaho at makakatulong sa income ng local government units ang pagtatayo ng negosyo ng San Miguel sa Sariaya,” sambit ni Austria.

“ M a r a m i n g kabataan sa pinatayong subdivision ng San Miguel. Kapag nawala na siguro ang pandemya at meron nang vaccine ay puwede na tayong magkaroon ng mga clinics dito para sa sports development nila at ma-boost ulit yung basketball sa Sariaya,” aniya.

Bukod kay Austria, ilang Quezon-based players din ang nakilala sa collegiate at professional leagues.

“Ang mga naalala ko ay sina Alex at Boy Clarino na taga- Pagbilao, si Gido Babilonia na taga Alabat ay yung bago sa PBA na si Jesper Aya-ay na taga Pagbilao rin. Sana marami pang umangat na player na taga Quezon in the future,” aniya.