HINDI pa man nagaganap ang Philippine Olympic Committee (POC)-organized election sa Philippine volleyball may nabuo nang line-up para sa mga opisyal, ayon sa impormasyon na nakalap ng Philippine Volleyball Federation.

Ayon kay PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, nagkasundo na ang dalawang grupo – Alliance in Philippine Volleyball at Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. – na magbuo ng mga opisyal apat na araw bago ang halalan na itinakda ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa Enero 25 sa East Ocean Seafoods Restaurant sa Paranaque City.

N a p a g k a s u n d u a n na umano ang tatayong mga opisyal na sina Ariel Paredes (Chairman); Tatz Suzara (President); Arnel Hajan (Vice Presiden); Don Caringal (SecGen); Rod Roque (Treasurer); at Yul Benoza (Auditor). Kabilang naman sa Board of Directors sina Rosario Soriano, Ricky Palou, Anthony Liao , Fr. Vic Calvo, Carmela Gamboa , Karl Chan at POC Legal Councel Atty. Wharton Chan.

Kinumpirma ni PVF Secretary General Otie Camangian na kabilang ang paglalaan ng mga naturang posisyon sa senaryo na napag-usapan nang dumalo siya sa pulong na ipinatawag ni Tolentino nitong Enero 16 sa Shangri-La Hotel.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman sumagot sa tawag ng Balita ang iba pang personalidad na sangkot sa usapin.

“Ito ang sinasabi nilang democratic election. Wala pang halalan buo na ang line-up, turuan at pirmahan na lang,” sambit ni Cantada. Mariin ang pagtanggi ni Cantada sa naturang election bunsod nang paninindigan na nananatiling sanctioned ng International Volleyball Federation (FIVB) ang PVF at hindi makatwiran ang mekanismo para sa pagpili ng mga stakeholders na makikilahok sa proseso.

“The PVF was apparently expelled by the POC in 2015. Was it by the Executive Board or by the General Assembly? Was the LVPI recognized by the POC EB or by the POC GA replacing the PVF as NSA of volleyball in the Philippines? Are there any documents as reference or evidence to any decisions made? Was those actions based on the POC constitution and bylaws? Are they willing to share it publicly?,” pahayag ni Camangian.

Dahil sa ipinatutupad na ‘safety and health’ protocol at kakulangan ng pasilidad sa venue para sa ‘swab testing’, sinabi ng POC na gaganapin ang election sa volleyball via ‘close door’.

-Edwin Rollon