KUNG may team sports na puwedeng umangat ang Pilipinas sa international competition, walang duda na nasa listahan ang women’s baseball team.
Ayon kay Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, sa kabila nang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, matibay at tuloy ang pakondisyon ng mga players sa hangaring mapabilang sa pinakamahusay na koponan hindi lamang sa rehiyon bagkus sa mundo.
“When PABA formed the National women’s team in 2018, nakalatag na yung program namin and the Philippine Sports Commission (PSC) already approved this, but everything was put on hold because of the pandemic,” pahayag ni Loyzaga sa pagbisita sa ‘Usapang Sports on Air’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
“May nakaline-up na nga ang PSC na sports caravan at kasama ang women’s baseball para maipakilala ang sports sa mga provinces. First time natin nagbuo ng women’s team sa baseball and we surprised the world when our team finish third in the Asian Cup,” aniya sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR, at Games and Amusements Board (GAB).
Ang impresibong kampanya sa Asian Cup ang naging daan upang mapabilang ang bansa sa12- team Women’s Baseball Cup na sa kasawiiang-palad ay muling naaantala.
“We were informed by the World body that the World Cup which was reset in March 1-9 in Tijuana, Mexico was again moved this time on December,” pahayag ni Loyzaga, naging Commissioner rin ng Philippine Sports Commission (PSC) sa administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Orihinal na nakatakda ang World Cup nitong Setyembre 2020.
“Okey lang, at least mas makapaghahanda kami. Right now, we’re just waiting the decision of the PSC and the Inter-Agency Task Force (IATF) para mapayagan na kami na makabalik sa ensayo ang we’re looking Clark as our venue,” sambit ni Loyzaga.