TARGET ni Rio Olympics silver medalist weightlifter Hidilyn Diaz na makasampa sa podium sa huling qualifying event para masungkit ang inaasam na Olympic berth sa 2021 Tokyo Olympic Games.

Naunsiyami ang mga plano ni Diaz na sumabak sa nakatakdang qualifying meet bunsod ng lockdown dulot ng coronavirus di¬sease (COVID-19) pandemic. Sa pagluwag ng quarantine protocols sa abroad, may pagkakataon ang tubong Zamboanga City na masikwat ang kanyang ikaapat na Olympic berth sa paglahok sa Olympic qualifying event sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 15-25.

Sa naturang torneo, malaki ang tsansa ng 28-anyos na si Diaz na opisyal na makuha ang Olympic tiket sa women’s 55-kilogram division para sa quadrennial event na gagawin sa Tokyo sa Hulyo 23 hanggang Agosto 4.

Sa kasalukuyan, tangan ni Diaz ang No.2 sa world ranking.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!