MAGSISIMULA na ang training sa loob ng isang bubble para sa target na Olympic slots at bilang preparasyon sa 31st Vietnam Southeast Asian Games ng mga national tracksters simula Enero 27.
Idaraos ang bubble camp sa New Clark City athletics stadium na tatagal ng dalawang buwan at magtatapos sa pagdaraos ng Ayala Philippine Athletics Championships sa Marso 19 – 21, ayon kay Patafa president Philip Ella ‘Popoy’ Juico.
Sa kabuuan ay may 20 mga atleta at 6 na coaches ang kasama sa isasagawang training bubble sa pangunguna ng mga goldedalists noong nakaraang SEAGames na sina marathon winner Christine Hallasgo, Melvin Calano (javelin) at Sarah Dequinan (heptathlon).
Kasama din nila ang iba pang mga SEA Games medalists na sina Michael del Prado, Francis Medina, Frederick Ramirez at Joyme Sequita (relays), Harry Diones (triple jump), Joida Gagnao (steeplechase), Mariano Masano (1,500-meter run) at Janry Ubas (decathlon).
Lahat naman ng mga foreign-based athletes gaya ng Olympic qualifier na si EJ Obiena na nasa Italya ay tuluy-tuloy lamang ang training sa kani-kanilang training camps ayon kay Philippine Athletics Track and Field Association president Philip Juico.
Marivic Awitan