PINAGHARIAN ni Kyle Ochoa ng Malolos City, Bulacan ang Espana Chess Club Manila tournament na ginanap online nitong Sabado sa lichess platform.
Ayon kay Espana Chess Club Manila president engineer Ernie Fetisan Faeldonia, nakamit ni Ochoa ang championship crown sa Finals na tampok ang 30 Qualifiers mula sa 3 different Qualifying events sa nasabing bullet competition.
Nakapagtamo si Ochoa ng 8 wins at 2 losses, kaparehas ng iskor na naitala ni 1997 Philippine Junior Champion National Master Elwin Retanal subalit nakopo ng una (Ochoa) ang titulo dahil sa mas mataas na tiebreak sa matapos ang 10 round Swiss System.
Lumagay ang Kingdom of Saudi Arabia based NM Retanal mula Cebu sa second habang ang 2019 Singapore National Age Group Chess Championships Co-Champion Jasper Faeldonia ng Odiongan, Romblon ay nag third.
Pasok sa top 10 ay sina Ralph Floro (fourth), Ted Ian Montoyo (fifth), Rowell Roque (sixth), Andres Bautista (seventh), Francis Glen Panes (eight), National Master Julius Sinangote (ninth) at Arena Grandmaster Irwin Aton (tenth).