OKLAHOMA CITY (AP) — Nahila ng Los Angeles Lakers ang franchise-record seventh straight road victory nang pabagsakin ang Oklahoma City Thunder, 128-99, nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Nanguna si LeBron James sa atake ng Lakers sa naiskor na 26 puntos.

“We just have a bunker mentality on the road — just us,” sambit ni James. “But obviously, it’s even more just us because of the restrictions, COVID, everything that’s going on. So we’ve come together even closer.”

Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 21 puntos at tumipa si Anthony Davis ng 18 puntos at pitong rebounds. Naitala ng defending champion Lakers ang ika-apat na sunod na panalo para NBA-best 10-3 karta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

GRIZZLIES 118, WOLVES 107

Sa Minneapolis, pinatahimik ng Memphis Grizzlies, sa pangunguna ni Jonas Valanciunas na may 24 puntos at 16 rebounds, ang Timberwolves.

Kumana rin si Grayson Allen ng season-high 20 puntos mula sa bench, habang nag-ambag si Brandon Clarke ng 19 puntos .

BUCKS 110, PISTONS 101

Sa Detroit, ratsada si Giannis Antetokounmpo sa natipang 22 puntos, 10 rebounds at 10 assists, sa dominanteng panalo ng Milwaukee Bucks kontra Detroit Pistons.

MAVS 104, HORNETS 93

Sa Charlotte, kumana si Luka Doncic ng 34 puntos, 13 rebounds, siyam na assists at career-high four blocks, at tumipa si Kristaps Porzingis ng 16 puntos sa panalo ng Dallas Mavericks laban sa Hornets.

Nagsalansan si Tim Hardaway Jr.ng 18 puntos sa panalo na nagluklok kay Rick Carlisle bilang ika-16 na coach sa kasaysayan ng NBA na nagwagi ng 800 laro.

Nanguna si Terry Rozier sa Hornets na my 18 puntos.