KUNG hindi man gaanong kinagat bilang teen hearthrob at actor si Iñigo Pascual ay tanggap na tanggap ang anak ni Piolo Pascual bilang recording artist. Ang “Dahil Sa’ Yo ni Iñigo, na feel good love song na released ng Star Magic ay humakot na ng 100M views sa YouTube.

His newest single Maligaya Ang Buhay ay ginawang official movie theme ng Four Sisters Before The Wedding. Katha ito nina Dan Taneda at Rox Santos and produce by Jonathan Manalo. Ang kanyang Catching Feelings ay binihisan na bagong tunog ng reggae artists Bimwala at J Boog.
Samantala, ano naman ang bago sa bakuran ng Viva? Isang brand new sound at style ng Rainbow, ang massive hit song ng South Border ang maririnig from group na itinatag noong 1993. Nag-evolved nang husto ang kanilang musika in the passing of years.
-REMY UMEREZ