Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na ang katawang natagpuan sa Tarlac noong Oktubre 31 ay ang mga labi ng nawawalang si retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Normandie B. Pizarro.

Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, natanggap na nila ang DNA result sa mga buto ng mahistrado.

Nakasaad sa NBI forensic chemistry division report na “99.99999 per cent DNA match.”

Si Pizzaro ay huling nakitang buhay sa isang hotel sa Clark, Pampanga noong Oktubre 23. Natuklasan din ng NBI na pinutol ang mga daliri ng mahistrado upang hindi ito makilala sa pamamagitan ng finger prints.

National

VP Sara, pinasalamatan imbestigasyon ni Sen. Imee sa ‘pagdukot’ kay FPRRD

Samantala, kinondena ni Chief Justice Diosdado M. Peralta nitong Martes ang “killing and murder of any person is never tolerated by our laws.”

“I ask our law enforcement agencies to press on with their investigation so that the perpetrators of this barbaric act be caught and brought to justice,” aniya.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo I. Guevarra nitong Lunes na natukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na persons of interest sa pagkamatay ni Pizarro.

“One of them is willing to divulge what he knows,” ani Guevarra.

Nagretiro si Pizarro noong 2018 isang taon bago ang kanyang mandatory retirement sa edad na 70 anyos.

Ilan sa mga kontrobersyal na desisyon ni Justice Pizzaro sa Court of Appeals ay ang pagpapalaya kay dating Palawan Governor Joel Reyes noong 2018 sa kasong pagpatay kay Doc. Gerry Ortega; pag-absuwelto sa utak ng pork-barrel scam na si Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention sa whistle-blower na si Benhur Luy noong 2017; at pagbasura sa $2-billion compensation ng mga Marcos sa mga biktima ng martial law, sa class-suit sa Hawaii District Court noong 1986.

-Beth Camia at Rey G. Panaligan