Mahigit sa apat na bilyong tao ang maaaring maging sobra sa timbang pagsapit ng 2050, na may 1.5 bilyon sa mga ito ay napakataba, kung magpapatuloy ang kasalukuyang pandaigdigang kalakaran sa pagdidiyeta patungo sa mga naprosesong pagkain, hinulaan ng isang pag-aaral nitong Miyerkules.
Nagbabala sa isang krisis sa kalusugan at pangkapaligiran na may “mind-blowing magnitude”, sinabi ng mga dalubhasa mula sa Potsdam Institute for Climate Impact Research (PIK) na ang pandaigdigang
pangangailangan sa pagkain ay tatalon ng 50 porsyento sa kalagitnaan ng siglo, na tinutulak ang kakayahan ng Earth na panatilihin ang kalikasan.
Ang produksyon ng pagkain ay nakakuha ng hanggang tatlong-kapat ng sariwang tubig sa buong mundo at isang-katlo ng lupa nito - at nagkakaroon ng hanggang isang-katlo ng mga greenhouse gas emissions.
Nagbibigay ng isang pangmatagalang pangkalahatang ideya ng pagbabago ng pandaigdigang mga kaugalian sa pagkain mula 1965 hanggang 2100, ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang open-source na modelo upang mataya kung paano tutugon ang pangangailangan ng pagkain sa iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng paglaki ng populasyon, pagtanda, lumalagong body mass, pagbawas ng pisikal na aktibidad at pagtaas ng junk food.
Natuklasan nila na ang “business as usual” - isang pagpapatuloy ng kasalukuyang mga uso - ay malamang na makakita ng higit sa apat na bilyong katao, o 45 porsyento ng populasyon sa buong mundo, na sobra ang timbang sa 2050.
Hinulaan ng modelo na 16 porsyento ang magiging napakataba, kumpara sa siyam na porsyento na kasalukuyang kabilang sa 29 porsyento ng populasyon na sobra sa timbang.
“The increasing waste of food and the rising consumption of animal protein mean that the environmental impact of our agricultural system will spiral out of control,” sinabi ni Benjamin Bodirsky, lead author ng study na inilathala sa Nature Scientific Reports.
“Whether greenhouse gasses, nitrogen pollution or deforestation: we are pushing the limits of our planet -- and exceeding them.”
Habang nag-iiba ang mga kalakaran sa pagitan ng mga rehiyon, sinabi ng mga may-akda na ang mga gawi sa pagkain sa buong mundo ay lumalayo mula sa mga diyeta na nakabatay sa halaman at sa starch-based diets hanggang sa masaganang mas “affluent diets high in sugar, fat, and animal-source foods, featuring highly-processed food products.”
Kasabay nito, nalaman ng pag-aaral na bilang resulta ng pagtaas ng hindi pagkakapantay-pantay kasama ang basura at pagkawala ng pagkain - pagkain na ginawa ngunit hindi nakonsumo dahil sa kawalan ng pag-iimbak o sobrang pamimili - halos kalahating bilyong katao ang makukulang sa masustansya sa kalagitnaan ng siglo
“There is enough food in the world -- the problem is that the poorest people on our planet have simply not the income to purchase it,” sinabi ng co-author na si Prajal Pradhan.
“And in rich countries, people don’t feel the economic and environmental consequences of wasting food.”
Nagbabala ang Intergovernmental Panel on Climate Change ng UN sa isang espesyal na ulat noong nakaraang taon na ang sangkatauhan ay haharap sa lalong masakit na trade-off sa pagitan ng seguridad ng pagkain at pagtaas ng temperatura sa loob ng mga dekada maliban kung ang emissions ay nasawata at napigilan ang napapanatili ang pagsasaka at pagkalbo ng kagubatan.
Agence France-Presse