SA gitna ng sala-salabat na mga problema ng mga bigtime na mangangalakal sa bansa, nakatataba ng pusong malaman na may mga kababayang negosyante tayo na nabigyan ng pagkilala at parangal sa katatapos lamang na 2020 Asia CEO Awards (ACA), ang pinakamalaking “business awards event” sa bansa at isa sa pinakamalaki sa Asia Pasific region.
Ang ilan sa mga kababayan natin ay napasama sa prestihiyosong listahan ng ACA para sa taong ito, dahil sa walang halong pag-iimbot na pagseserbisyo sa kanilang mga kasosyo, tauhan, taga-tangkilik ng produkto, at sa sambayanang Pilipino, lalo sa panahong ito na walang humpay ang pananalasa ng pandemiyang COVID-19 sa bansa.
Para sa taong 2020, sa ACA roster of awardees ay nakasama si San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang (RSA).
Ayon sa pamunuan ng nagbigay ng parangal: “RSA was honored with the Lifetime Contributor Award for the private sector. He garnered the award for his visionary leadership, contributions to the country, and response to the COVID-19 pandemic.”
Napasama na si RSA sa listahan ng mga Pinoy sa Asia CEO Awards Lifetime Contributor awardees, na nauna ng kinabilangan nina dating President Fidel V. Ramos at SM founder Henry Sy, Sr.
“To be given the same Lifetime Contributor award that was given to titans such as former President Fidel Ramos and the late SM Chairman Henry Sy Sr., is a distinction I will always be grateful for,” ani RSA matapos tanggapin ang award.
Sa totoo lang, sa ilalim ng pamumuno ni RSA, ang SMC ay naging “one of the most diversified conglomerates” sa bansa. Hindi lamang ang pagkilalang ito mula sa ACA board of judges ang maipagmamalaki niya. Nakatanggap na rin siya ng mga pagkilala mula sa ibang award-giving bodies, na ang pinakahuli ay nitong nakaraang taon lamang, nang mapasama siya sa 2019 Ten Outstanding Filipino Award (TOFIL Award).
Mula sa dating “food and beverage corporation” sa ilalim ng pamamahala ni RSA, ay umusbong ang mga pagbabagong kung tawagin ng mga negosyante ay: “Successful diversification branching into infrastructure, oil refining and marketing, packaging, power and energy, properties/real estate, and other businesses that cover banking, retirement funds, and shipping, among others.”
At walang duda na ang mga business ventures na ito ng SMC sa ilalim ng pamumuno ni RSA, ay nakagawa at nakapagbigay ng mga trabaho sa nakararami nating kababayan – tulong sa bawat pamilyang Pilipino upang maging maalwan ang buhay.
Hindi rin mapasusubalian na sa pinasok ng SMC na mga infrastructure projects ay naging o magiging malaking tulong sa ekonomiya ng ating bansa.
Gaya na lang halimbawa ng halos patapos na international airport sa Bulacan, na siguradong magbibigay ng milyong trabaho at pagkakakitaan sa mga kababayan nating Bulakeño. Bukod pa rito ang trabahong naibigay sa mga tao habang ito ay ginagawa. Inaasahan din nang pamunuan ng SMC na ang airport na ito, ay makagagawa ng -- “30 million tourism-related jobs, apart from other job opportunities.”
Ang isa pang infrastructure project ng SMC na halos tapos na ay ang Skyway Stage 3 elevated expressway sa Metro Manila. Ayon sa SMC: “The Skyway Stage 3 connects the North Luzon Expressway (NLEX) and South Luzon Expressway (SLEX) and cuts travel time from North to South Luzon and vice versa. It will be opened to the public by December with month-long free toll fees.”
Buong pagmamalaking sabi ni RSA: “We’re very proud and excited about this project because it will truly make a big difference to so many people’s lives — especially with our economy slowly opening up and with more vehicles coming back to our roads.”
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]
-Dave M. Veridiano, E.E.