Nagpaabiso kahapon ang Manila Electric Co. (Meralco) na magsasagawa sila ng maintenance works sa ilang lugar sa Metro Manila at sa lima pang karatig na lalawigan ngayong linggo.

Sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, ikinasa ang mga pagkukumpuni mula Oktubre 19 hanggang sa Oktubre 26 sa ilang lugar sa Metro Manila, gayundin sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at Quezon Province.

Ngayong Oktubre 19, Lunes, apektado ang Sta. Maria, Bulacan dahil sa pagpapalit at paglilipat ng mga pasilidad sa Bgy. San Jose Patag, habang sa Oktubre 20 naman, apektado ang Angono, Rizal dahil sa reconstruction ng mga pasilidad sa Botong Francisco Ave. sa Bgy. San Isidro; Biñan City, Laguna at Carmona, Cavite dahil sa paglilipat ng mga pasilidad sa Ecocentrum Business Park, Bgy. San Francisco, Biñan City; at Sta. Cruz, Laguna dahil sa pagpapalit ng mga bulok na poste at reconstruction ng mga pasilidad sa Bgy. Bagong Bayan (Bagumbayan).

Sa Oktubre 21, inaasahang makararanas ng power interruption ang ilang lugar sa Carmona, Cavite dahil sa relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng DPWH project sa Cityland Subd., Phase 1, Bgy. Mabuhay; gayundin ang Laguna at Quezon Province dahil sa paglilipat ng mga poste na apektado ng DPWH bridge widening project sa Lucban – Tayabas Road sa Bgys. Manasa at May-It sa Lucban, Quezon Province.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sa Oktubre 21 at 22, apektado ang Pandacan, Sampaloc, San Miguel at Sta. Mesa, sa Maynila dahil sa pagpapalit ng mga pasilidad at line repair works sa Ramon Magsaysay Blvd., sa Sta. Mesa; at ang San Andres Bukid, Manila dahil sa line reconductoring works, at pagpapalit ng mga pasilidad sa Osmeña Highway.

Sa Oktubre 23, apektado ang San Pablo City, Laguna dahil sa pagpapalit ng mga poste at line reconductoring works sa Pan Philippine Highway (Maharlika Highway), sa San Pablo City proper; at ilang lugar sa Quezon City dahil sa paglilipat ng mga pasilidad na apektado ng DPWH road widening project sa Maginhawa St., Bgy. Sikatuna Village.

Sa Oktubre 24 naman, apektado ang Sampaloc, Manila dahil sa pagpapalit ng mga bulok na poste sa Sociego St.; at Taguig City dahil sa replacement ng mga bulok na poste sa St. Michael Subd., Bgy. Hagonoy.

Sa Oktubre 24 at 25 naman, apektado ang San Ildefonso at San Miguel, Bulacan, at Candaba, Pampanga dahil sa preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – San Miguel substation.

Sa Oktubre 25 naman, apektado ang Sta. Mesa, Manila dahil sa pagpapalit ng mga bulok na poste sa loob ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Compound; at Ugong, Pasig City dahil sa line reconstruction works sa E. Rodriguez Jr. Ave. (C-5 Road) habang sa Oktubre 25 at 26 ay magkakaroon ng upgrading of facilities sa 115kV Amadeo – Gateway – FCIE transmission lines kaya’t inaasahang maaapektuhan ang ilang bahagi ng Gen. Trias City sa Cavite.

-Mary Ann Santiago