Ibinasura ng hukuman ang libelong isinampa ng isang kilalang foof chain laban sa mga opisyal ng Philippine Veterans Bank na nauna nang naghain ng kaso sa huli sa utang na P43 milyon.

Sa dokumento mula sa Antipolo Prosecutor’s Office, nagsampa ng libelo ang Cravings Food Services, Inc (CGSI) noong Pebrero 26, 2019 laban sa mga opisyal ng nasabing bangko at sinabing ang civil case na iniharap ng huli ay nakasisira sa reputasyon ng kanilang negosyo. Sa resolusyong may petsang Marso 7, 2019 ay inaprubahan ni Antipolo City Prosecutor Mari Elvira Herrera ang pagbasura sa libel complaint. Naghain ang CFSI ng motion for reconsideration gayunman, nanindigan ang piskalya sa kanilang desisyon at ipinawalang-saysay ang apela sa resolusyon noong Oktubre 23, 2019. Una nang nag-avail ang CFSI ng total Revolving Promissory Note Line (RPNL) sa PVB ng P50 milyon. Gayunman, hindi nakapagbayad ang kompanya ng kanilang obligasyon na bayaran ang bangko ng naturang halaga, pati na ng kaukulang interest at mga penalty nito.

-Bella Gamotea
National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?