Ni Edwin Rollon

BUO ang pag-asa ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na mapapayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik ng sabong sa ‘new normal’ sa lalong madaling panahon.

Iginiit ni Mitra na naisumite na ng GAB sa tulong ng Department of Health (DOH) nitong October 7 sa IATF Technical Working Group ang mas pinahigpit na ‘health and safety’ protocol para sa hinay-hinay na pagbabalik ng sabong sa bansa, higit sa mga lugar na may mababa nang level ng quarantine status.

MITRA

MITRA

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kabilang ang sabong sa sektor na nasa pangangasiwa ng GAB na isinulong sa agarang pagpapabalik nitong Hulyo nang unti-unti nang humuhupa ang kaso ng COVID-1p pandemic. Napayagan ang pagbabalik ng professional basketball, football, boxing at iba pang contact sports, gayundin ang horceracing sa ayuda ng PHILRACOM.

“We have a series of online meeting with the IATF Technical Working Group for the return of sabong. After the National Economic Development Authority (NEDA) decided that our request is more on health issue than economic, tumakbo na kami sa DOH para humingi ng tulong sa technical side para sa mas mahigpit na ‘health and safety’ protocol,” pahayag ni Mitra.

“Hintay lang tayo ng konti pa. Yung naisumite ng GAB na healty and safety protocol sa IATF Technical Working Group ay masasabi po nating mabibigyan ng timbang lalo na sa mga lugar na nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).”

“Nagpapasalamat po tayo sa tulong at suporta ng mga Breeders Association, Gamefowl Association at iba pang indibidwal na involved sa industriya, tulad ni Cong. Sonny Lagon para patuloy na maiangat ang sabong sa gitna ng pandemic,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressman.

Sinabi ni Mitra na tulad ng ibang sektor, lubhang apektado at lugmok ang industriya ng sabong bunsod nang ipinatutupad na patakan para maabatan ang hawaan sa mapamuksang COVID-19.

Ayon sa datos ng GAB kabuuang 16,173 ang lisensiyadong cockpit personnel kabilang ang mananari, senticiador at manggagamot ang natigil sa kanilang hanap-buhay sa pansamantalang pagsasara ng mga sabungan sa bansa mula pa nitong Marso.

Sa aspeto ng kabuhayan, sinabi ni Mitra na tunay na sumadsad ang industriya, gayundin ang mga nagtatarabaho dito. Sa inilabas na datos ng Gamefowl Commission and UACOOP, may kabuuang 18, 800 ang mga empleyado na konektado sa industriya.

Sa Internal Research ng San Miguel Corp. may kabuuang 15,000 tindahan ng mga gamot, patuka at bitamina ang tinamaan ng pandemic, kaakibat nito ang kabuuang  60,000 empleyado sa buong bansa.

Iniulat naman ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA) na kabuuang 200,000 employee sa mga farms sa buong bansa ang apektado sa kanilang kabuhayan.

“Lahat po ng datos na ito ay isinumite natin sa NEDA at sa IATF. Tunay pong prioridad ang kalusugan, pero may mga programa naman po tayo dito kaya umaasa kami na maibabalik na rin ang sabong ASAP,” sambit ni Mitra.