PINASALAMATAN ng Phoenix management ang nagging suporta ng Games and Amusements Board (GAB) para sa posibilidad napagbabalik ni Calvin Abueva sa PBA.

Sa opisyal na pahayag ng Phoenix nitong Biyernes, ipinarating nila ang pasasalamat sa GAB, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra sa pagbibigay ng ‘understanding and compassion’ sa kontrobersyal na si Abueva, ipinapalagay na pinakamatikas na player sa kanyang henerasyon.

Nitong Huwebes, inilabas ng GAB Board, sa pamamagitan ni Commissioner Ed Trinidad ang desisyon na ibabalik ng ahensiya ang binawing lsiensiya ni Abueva sa sandaling matugunan niya ang dalawang kondisyon.

“The Phoenix Super LPG Fuelmasters are grateful to GAB chairman Abraham ‘Baham’ Mitra and to all its commissioners for bringing Calvin a step closer to resume playing professional basketball,” pahayag ng Phoenix.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“This step provides Calvin an opportunity, more than anything else, to be an example to the public that indeed, people can be given a chance to redeem themselves and be a positive example to the basketball community.”

Kasama ng Fuel Masters si Abueva sa ginagawang ‘bubble training’ sa Clark, ngunit wala pang desisyon ang PBA kung palalaruin na nila si Abueva,

“We would like to thank them for accommodating us despite the many constraints brought by the pandemic. They truly are a major factor in the continued reformation of Calvin,” ayon sa pahayag.

-Marivic Awitan