ANG pagtaas ng average surface temperature ng mundo ng isang degree Celsius ay magdudulot ng 2.5 metrong pagtaas ng lebel ng katagatan mula sa Antartica pa lamang at ang panibagong pagtaas ng tatlong degrees sa kontinente ay magpapataas ng 6.5 metro sa karagatan, babala ng mga siyentista kamakailan.

Ang mapangwasak na pagtaas na ito sa lebel ng karagatan—na kayang palubugin ang mga baybaying siyudad mula Mumbai hanggang Miami at magpalikas sa daang milyong mga tao—ay magaganap sa loob ng daan o libong taon.

“But the man-made greenhouse gas emissions that could guarantee such an outcome are on track to occur on a timescale measured in decades,” nakasaad sa journal na Nature.

Isa sa pinaka nakaaalarmang konklusyon mula sa pag-aaral ay ang pagtaas ng lebel ng karagatan na idinulot ng pagkatibag ng Antarctic ice sheet — na humahawak sa nagyeyelong tubig na sapat upang paangatin ang karagatan ng 58 metro—ay higit pang lalaki sa bawat pagtaas ng degree ng temperatura.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Halimabawa, tataas ng average na 1.3 metro (apat na talampakan) ang lebel ng karagatan para sa bawat unang dalawang degrees above pre-industrial levels.

Tumaas na ng isang degree ang average surface temperature ng mundo mula pa noong ika-19 na siglo, sapat upang tumindi ang mga nakamamatay na heatway, tagtuyot at mga bagyo.

Ngunit mula sa 2C hanggang 6C na mas mataas sa benchmark, maaaring madoble ang pagtaas ng sea level sa 2.4 metre per degree ng pag-init.

Sa upper end ng saklawa na ito, sisirain ng climate change ang sibilisasyon at babaguhin nito ang mapa ng coastlines ng mundo, ayon sa mga siyentista.

Higit pa dito, bawat degree na madaragdag ay magreresulta ng dagdag na 10 metro, na tuluyang magtutulak sa buong ice sheet at magpapataas ng lebel ng karagatan na hindi pa nasasaksihan sa nakalipas na milyong-milyong taon.

“In the end, it is our burning of coal and oil that determines if and when critical temperature thresholds in Antarctica are crossed,” cpahayag ni co-author Anders Levermann, isang climate scientist sa Potsdam Institute for Climate Impact Research.

‘EXISTENTIAL THREAT’

“And even if the ice loss happens on long time scales, the respective carbon dioxide levels can already be reached in the near future.”

Ang ice sheet sa taas ng West Antarctica ang unang matitibag, na hindi masyadong apekto ng mainit na hangin ngunit ng mainit na tubig dagat na sumisipsip sa ilalim ng mga glaciers at nagpapaguho sa kanilang ‘ocean-facing edges,’ na mas kilala bilang ice shelves.

“That makes glaciers the size of Florida slide into the ocean,” diin ni co-author Torsten Albrecht, isa ring researcher sa Potsdam Institute.

Sa puntong lumambas na ang global warming sa 6C threshold, magbabago ang dinamika.

“As the gigantic mountains of ice” — up to five kilometres thick — “slowly sink to lower heights where the air is warmer, this leads to more melt at the ice surface,” dagdag pa ni Albrecht.

Ang prosesong ito ay lumikha na ng malalakas na ilog mula sa natunaw na yelo sa Greenland ice sheet, kung saan naitala ang pagkawala ng higit kalahating trilyong tonelada noon lamang nakaraang taon.

“This very important and timely study makes clear the urgent need to stabilise surface temperature rise in line with Paris Agreement targets so as to limit the total committed sea level rise to a few metres,” ani Matt Palmer, UK Met Office sea level rise scientist na hindi naging bahagi ng pag-aaral.

Sa 2015 treaty, nagkasundo ang mga bansa na limitahan ang global warming “well below” 2C, at 1.5C hanggat maaari.

“[Even a 2C world] represents an existential threat to entire nation states,” paliwanag naman ni Jonathan Bamber, isang glaciology professor sa University of Bristol, sa Science Media Centre, bilang komento sa pananaliksik.

“We’re looking at removing nations from the map — it doesn’t get much more serious than that.”

Agence France-Presse