HABANG naghihintay pa ang cast ng balik-taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit, nag-enroll muna ang 18-year-old Kapuso actress na si Kyline Alcantara, as a college freshman in Tourism. Ito ang ipinahayag ni Kyline sa interview niya sa 24 Oras, na na-inspire siya na magkaroon ng enough knowledge about the Philippines, para pagdating daw niya sa ibang bansa, kayang-kaya niyang ipagmalaki kung gaano kaganda ang Pilipinas. Kyline hails from Sorsogon in Bicol. Dahil quarantine, online muna ang classes ni Kyline at inamin niyang nakakatakot dahil bagong school, pero excited daw siya dahil first time niyang mag-online at challenge sa kanya kung paano raw niya ima-manage ang kanyang oras, kasabay ng pagtatrabaho.

kyline

Napapanood si Kyline every Sunday sa All-Out Sundays na magiging live na sa susunod na Linggo sa GMA-7, at sa rerun ng Kambal, Karibal na finale week na simula ngayong Monday, September 2.

Nora V. Calderon
Tsika at Intriga

Dennis Trillo, tinawag na bading: 'Eh ano naman... may problema ka?'