SUNUD-SUNOD na ang lock-in taping ng mga teleserye ng Kapuso Network. Naging successful ang lock-in taping for 10 days ng Descendants of the Sun Ph. On-going din ang taping ng weekly episodes ng bagong drama anthology na I Can See You. Ilang araw na rin ang lock-in taping ng GMA Telebabad na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na tampok sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer at Jay Manalo na lahat sila ay naninibago sa pagti-taping sa new normal, pero may halo ring saya dahil nakabalik na sila muling magtrabaho.

carla

At ngayon ang susunod naman ng lock in taping ay ang teleseryeng Love of my Life na pinangungunahan ni Carla Abellana. Nakakatuwa ang interview ng 24 Oras kay Carla na ikinuwento niya ang paghahanda niyang ginagawa para sa 100 lock-in days taping nila nina Coney Reyes, Mikael Daez at Rhian Ramos.

“Alam ba ninyong gusto ko nang dalhin ang buong bahay ko sa taping namin,” natatawang pahayag ni Carla. “Sa ngayon ay nakahanda na ang four luggages ko ng mga damit na gagamitin ko sa taping. Iyong ibang gamit, ikakahon ko na lamang. Naikuwento na sa akin ni Tom (Rodriguez) kung paano ang taping dahil tapos na siya sa kanilang episode ng “I Can See You.” Four days lamang ang lock-in taping nila. Excited na rin akong magbalik-taping at challenge sa akin iyong 100 days.”

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

Hindi sinabi ni Carla kung saan ang location ng taping nila dahil nagtapos iyong story nila bago ang quarantine na preggy siya at malapit nang magsilang ng baby nila ni Tom sa story. Kaya kaabang-abang na ang muling pagtatanghal ng “Love of my Life” sa GMA Telebabad very soon.

-Nora V. Calderon