TUGMA ang liriko sa pamosong awitin ni Gary Valenciano: Babalik ka rin.

Nagpahayag ng kahandaan para magbalik-bayan sina US-based Grandmasters Mark Paragua at Rogelio Barcenilla, Jr. para makiisa at maging bahagi ng kasaysayan sa ilalargang kauna-unahang professional chess tournament Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).

Nitong Huwebes, tinanggap ng Games and Amusements Board (GAB), sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham Mitra, ang aplikasyon ng PCAP bilang ganap na professional chess organization.

“It is an honor for me to be one of the pioneers of the first professional chess league in our country,” pahayag ng New York-based na si Paragua.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nakabase naman sa Arizona si Barcenilla.

“If I need to fly back home to play in PCAP, I most definitely will. I’m not going to miss a historic moment in Philippine chess,” ayon kay Barcenilla.

Nagpahayag din ng interes na lumahok ang iba pang prominenteng Filipino chess players na nasa ibang bansa tulad nina GMs Oliver Barbosa (New York), Julio Sadorra (Texas), Richard Bitoon (Texas), Enrico Sevillano (California), Roland Salvador (Italy), Joseph Sanchez (France), Buenaventura “Bong” Villamayor (Singapore) at Nelson “Jet” Mariano II (Singapore).

Bawat koponan ay kailangang magkaroon ng dalawang rated players, isang babae, isang senior at dalawang homegrown.

Ayon kay PCAP founding commissioner, Atty. Paul Elauria, ang players ay makakakuha ng standard contract na may minimum at maximum salaries base sa salary cap na mapagkakasunduan ng team owners.

Ang participating teams ay hinati sa two conferences: Northern Conference para sa Luzon-based teams at Southern Conference para sa Visayas- at Mindanao-based teams.

Kompirmado nang lalahok ang Baguio Lion Kings, Bataan Marching Heroes, Bulacan Bloody Bishops, Cagayan Valley Kings, Makati Red Gambits, Manila Noble Knights, Mindoro Golden Tamaraws, Palawan Beach Masters, Pampanga, Pasay, San Juan Preda-Torres, Subic Knightmares, General Trias City, Cavite and Tarlac Top Guns. Also interested to join are ARMM, Batangas, Bohol, Cavite, Cebu, Cotabato, Davao, General Santos, Ilocos, Iloilo, Laguna, Leyte, Misamis, Negros, Pangasinan, Quezon, Rizal, Surigao at Zamboanga