LAKE BUENA VISTA, Fla. (AP) — Mangilan-gilan ang tumaya sa Miami Heat sa pagsisimula ng ‘bubble’. Hindi pa huli ang lahat para itodo ang tiwala sa dehadong koponan sa East Coast.

Nanatiling mainit ang opensa ni Goran Dragic sa naitalang 25 puntos, habang pinangunahan ni Bam Adebayo ang matikas na ratsada sa third-quarter para makumpleto ng Miami Heat ang isa pang pagbangon laban sa Boston Celtics, 106-101, at angkinin ang 2-0 bentahe sa Eastern Conference finals nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nagsalansan si Adebayo ng 21 puntos, habang umiskor sina Duncan Robinson ng 18 puntos, Jimmy Butler na may 14, Jae Crowder na tumipa ng 12 at Tyler Herro na kumana ng 11 puntos. Nabaon ang Heat sa 17 puntos sa second quarter at naghabol sa 13 puntos sa halftime.

Naitala ng Heat ang 0-21 sa playoff games sa sitwasyon na naghabol nang ganoong kalaking bentahe sa halftime. Ngayon, 1-21 na ang marka at dalawang panalo na lamang ang layo nila para sa kauna-unahang NBA Finals appearance mula noong 2014.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“We like to make it hard on ourselves,” pahayag ni Butler. “We like being down double-digits and being the comeback kids.

Nanguna si Kemba Walker sa Boston sa nahugot na 23 puntos, habang nagsalansan sina Jaylen Brown at Jayson Tatum ng tig-21 puntos. Naisablay ni Brown ang three-point shot sa corner may 15 segundo ang nalalabi na humila sana sa laro sa overtime

Nakatada ang Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila).