PAGKARAAN ng limang taon, opisyal na tinuldukan ng NCAA nitong Martes ang nalalabing taon sa kanilang 10-year contract sa ABS-CBN.

Ayon sa ulat, hindi binanggit ang mga detalye o specifics ng contract termination kung ang NCAA Policy Board na pinamumunuan ni Letran rector and president Fr. Clarence Marquez, OP, ay nanghingi ng konsesyon dahil may nalalabi pang P100 milyon sa limang taon nilang initial deal.

Mismong ang ABS-CBN ang nakiusap na tapusin na ang kasunduan dalawang linggo matapos magsara ang network nitong Mayo 5.

Naghahanap ngayon ang NCAA ng bagong network. Ayon sa isang source, tumanggap na ang NCAA ng feelers sa dalawang stations, ang GMA 7 at CNN Philippines.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

May report ding maaaring sa TV5 magtungo sapagkat ito ang dating “tirahan” ng NCAA, at malaki ang pinuhunan nito sa sports, kabilang ang NBA.

Umaasa ang NCAA na masisimulan ang kanilang Season 96 maaga sa susunod na taon sakaling bumuti na ang situwasyon sa isyu ng COVID- 19 pandemic.

-Bert de Guzman