INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials para sa halamang gamot na lagundi bilang adjuvant therapy, pagbabahagi ng Department of Science and Technology (DOST).

“It was earlier approved by the DOST, and now the FDA also approved the conduct of the clinical trials,” ayon sa ulat ni Secretary Fortunato de la Peña.

Una nang ipinaliwanag ng kalihim na kailangang dumaan sa pag-apruba ng FDA ang anumang clinical trials, upang higit na masuri at masiguro ang buong proteksyon ng human subjects’ rights and safety, at ang integridad ng clinical trial data sa pamamagitan ng pag-adapt at implementasyon ng international standards para sa good clinical practice.

Ibinahagi ni De la Peña na tatlong quarantine centers ang sumang-ayon sa pakikilahok sa clinical trials ng lagundi. Kabilang dito ang Quezon Institute Quarantine Center, Sta. Ana Hospital sa Maynila, at PNP-NCR Community Quarantine Center.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The project team has also coordinated with selected community quarantine centers where the study shall be conducted,” aniya.

Sa kasalukuyan, hindi pa idinedetalye ni de la Peña ang target na bilang ng mga lalahok sa trial, at kung kakailanganin pa ng DOST ang dagdag na volunteer quarantine centers o hospital.

Sa naunang panayam, sinabi ni de la Peña na layon ng proyekto na matukoy kung ang lagundi, bilang adjuvant therapy, ay maaaring makapagkaloob ng symptomatic relief para sa mild coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng walang co-morbidities.

Hangad din, aniyang matukoy sa pag-aaral kung kayang mapababa ng lagundi ang bilang ng mga pasyenteng umaangat mula sa mild patungong moderate o severe cases.

Una nang naibahagi na ang lagundi tablet o syrup ay mabisang bronchodilator na may registered indication bilang panggamot sa ubo, at karaniwang sintomas ng COVID-19 na lagnat, ubo, masakit na lalamunan, myalgia, at fatigue.

Dahil sa pharmacologic properties, maaaring tama itong gamitin para sa symptomatic treatment ng mga pasyente ng COVID-19, de la Peña.

PNA