KAHIT umabot na sa P140 million ang gastos ng Star Cinema simula pa noong bubuin ang Darna na si Angel Locsin pa sana ang gaganap na pinalitan ni Liza Soberano pero nagkaroon ng aksidente kaya si Jane De Leon na sana ang final choice ay hindi na rin matutuloy dahil sa COVID-19 pandemya.Nagkabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol dito.

jane

“Nananatili ang rights ng Darna sa ABS-CBN na nagdesisyong itigil muna ang produksyon ng pelikula pagkatapos ng masusing pag-aaral sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa industriya ng pelikula at mga sinehan.

“Handa kaming sumunod sa production guidelines sa ilalim ng new normal at pangalagaan ang kaligtasan ng mga artista at manggagawang kabilang sa produksyon.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Ngunit dahil nangangailangan ng kumplikadong logistics, crowd shots, at fight scenes na may physical contact ang pelikula, mahihirapan kaming bigyan ng hustisya ang superhero film habang sumusunod sa guidelines.

“Nasa kalagitnaan pa rin tayo ng isang pandemya, at mahirap sabihin kung kailan makakabalik ang mga sinehan at mga manonood.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng cast, staff, at production crew sa trabahong ibinuhos nila sa proyekto. Nagpapasalamat din kami sa pamilya Ravelo, sa fans ni Darna, at sa publiko para sa suporta at pang-unawa.”

Samantala naglabas ng hinaing niya si Jane sa kanyang Instagram ang hindi na pagkakatuloy ng launching movie niya n asana magpapabago ng kanyang estado bilang aktres.

“I’m deeply saddened by the postponement of the Darna project. However, safety comes first as always.

Pinost din ni Jane ng larawang magkakasama sila ng production crew na kuha sa location na ang background ay kabundukan.

-REGGEE BONOAN