Ang coronavirus pandemic ay maaaring itulak ang halos 100 milyong katao na bumalik sa matinding kahirapan, babala ng pangulo ng World Bank na si David Malpass nitong Huwebes.
Ang Washington-based development lender ay dati nang tinantya na 60 milyong katao ang mahuhulog sa matinding kahirapan dahil sa COVID-19, ngunit ang bagong pagtatantya ay inilalagay ang kahirapan sa 70 hanggang 100 milyon, at sinabi niya na ang bilang na ito ay maaaring tumaas nang mas mataas kung lumala ang pandemya o tumagal.
Ang sitwasyon ay nangangailangan na bawasan ng creditors ang dami ng utang na hawak ng mga mahihirap na bansa na nanganganib, na higit pa sa pangako na suspindihin ang mga pagbabayad sa utang, sinabi ni Malpass sa isang pakikipanayam sa AFP
Kahit na, mas maraming mga bansa ang maoobliga na muling ibalik ang kanilang utang.
“The debt vulnerabilities are high, and the imperative of getting light at the end of the tunnel so that new investors can come in is substantial,” sinabi ni Malpass.
Ang mga advanced na ekonomiya sa Grupo 20 ay nangako nang suspindihin ang mga pagbabayad ng utang mula sa pinakamahihirap na mga bansa hanggang sa katapusan ng taon, at may lumalagong suporta para sa pagpapalawak ng moratorium sa susunod na taon.
Ngunit sinabi ni Malpass na hindi ito sapat, dahil ang pagbagsak ng ekonomiya ay nangangahulugan na ang mga bansang iyon, na nahihirapan nang magbigay ng safety net para sa kanilang mga mamamayan, ay hindi magiging mas mahusay ang sitwasyon upang makabayad.
Ang halaga ng pagbawas ng utang na kailangan ay depende sa sitwasyon sa bawat bansa, aniya, ngunit ang patakaran “makes a lot of sense.”
“So I think the awareness of this will be gradually, more and more apparent” especially “for the countries with the highest vulnerability to the debt situation.”
Ang World Bank ay nakatuon sa pag-deploy ng $160 bilyon sa pagpopondo sa 100 mga bansa hanggang Hunyo 2021 sa isang pagsisikap na matugunan ang agarang emerhensiya, ngunit kahit na, ang labis na kahirapan, na tinukoy bilang kumikita ng mas mababa sa $ 1.90 sa isang araw, ay patuloy na tumataas.
Sinabi ni Malpass na ang paglala ay dahil sa isang kombinasyon ng pagkawasak ng mga trabaho sa panahon ng pandemya pati na rin ang mga isyu sa supply na ginagawang mas mahirap ang pagkuha sa pagkain.
“All of this contributes to pushing people back into extreme poverty the longer the economic crisis persists.”
Ang bagong luklok na si World Bank Chief Economist Carmen Reinhart ay tinawag ang economic crisis na “pandemic depression,” ngunit hindi gaanong nababahala si Malpass sa terminolohiya.
“We can start calling it a depression. Our focus is on how do we help countries be resilient in working out on the other side.”
Agence France-Presse