Sa virtual mediacon ni Pokwang para sa programang Fill in the Bank kasama si Jose Manalo sa TV5 line produced ng Archangel Media ay abut-abot ang pasalamat ng komedyana dahil sinalo siya at binigyan ng trabaho.

pokwang

Emosyonal na ikinuwento ni Pokie na hindi siya puwedeng huminto sa pagtatrabaho dahil may anak siyang 2 years old at 80 yeard old na nanay na hambuhay ang gamutan.

Nang hindi binigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay hindi na halos alam ng komedyana kung ano ang susunod na mangyayari dahil nga naisip niya na may kontrata siya sa Star Magic at hindi siya puwedeng magtrabaho sa ibang network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero nang sabihan daw siya na wala na siyang kontrata ay kaagad na siyang nag-decide na tatanggap na siya ng offer at sumakto, tinawagan siya ng Eat Bulaga para mag-guest sa segment nilang Bawal Judgmental hanggang sa nagtuluy-tuloy na at heto inalok na siya ng Fill in the Bank at Chika BESH na napapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes tuwing 10AM.

Kuwento ni Pokwang, “Siyempre 15 years hindi po ganu’n kadali (napaiyak), ang laki po talaga ng nabago ng buhay ko and nagpapasalamat ako ng sobra sa ABS, sa mga nagtiwala sa akin at nagpapasalamat pa rin ako kasi ako po ‘yung una nilang sinabihan na wala ng kontrata at dahil ganu’n nila ako kaagang sinabihan, maaga rin akong nakapag-isip para sa pamilya ko.

“Honestly hindi pa ako nakakapag-adjust talaga. Alam n’yo naman kaming mga komedyante malilikot kami at kapag nagkita-kita kami ay sanay kami na pisikalan (batian). Ang hirap lalo na kapag nakikita mo ‘yung mga kaibigan mo na gusto mong yakapin, pero iisipin mo pa ring maging responsable ka kasi hindi naman puwedeng ikaw lang ‘yung maligtas kasi lahat dito may mga

pamilya, lahat nag-risk magtrabaho para makapagbigay kami ng magandang show para mapasaya ang mga manonood, so ang hirap pa rin, pero siyempre pag inisip mo na meron kang responsibilidad, kailangan mong um-adjust ng bonggang-bongga.”

-REGGEE BONOAN