INAASAHANG mararamdaman ang epekto ng coronavirus pandemic sa mga susunod na dekada,pahayag  ng World Health Organization, matapos ang pagtataya ng emergency committee sa sitwasyon, anim na buwan matapos pumutok ang outbreak.

Ayon sa tala ng AFP, umabot na sa halos 17.3 milyong tao ang nahawa ng novel coronavirus habang halos 675,000 tao naman ang namatay dulot ng sakit, mula ng umusbong ito sa China noong Disyembre.

Sa ikaapat na pagkakataon, muling nagpupulong ang World Health Organization’s emergency committee, na binubuo ng 18 miyembro at 112 adviser hinggil sa sitwasyon ng COVID-19 crisis.

“It’s sobering to think that six months ago, when you recommended I declare a public health emergency of international concern (PHEIC), there were less than 100 cases and no deaths outside China,” pahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa pagsisimula ng pagpupulong.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The pandemic is a once-in-a-century health crisis, the effects of which will be felt for decades to come.”

Sa pagpupulong maaaring maghain ang komite ng bagong rekomendasyon o amyendahan ang dati nang patakaran.

Gayunman, may pagdududa na pananatilihin ng WHO ang istatus ng pandemya sa PHEIC – ang pinakamataas na lebel ng alarma – na unang idineklara noong Enero 30.

Matatandaang matinding batikos ang inabot ng WHO dahil sa matagal na panahong inabot bago ito nagdeklara ng international emergency.

Dumating din sa punto na opisyal nang naghain ng pagkalas ang United States sa organisasyon noong Hulyo, na inakusahan ang WHO ng pagkiling sa China.

Binabatikos din ang ahensiya para sa mga rekomendasyon nitong huli na o nagkakatalo sa mga una nitong pahayag, partikular sa pagsusuot ng mask, o ang paraan kung paano nakahahawa ang virus.

WALA PA RING KASAGUTAN

Bagamat umusad na ang kaalaman ng mundo tungkol sa virus, marami pa ring katanungan ang nanatiling walang kasagutan at nanganganib pa rin ang mga tao sa banta ng pagkahawa sa sakit, saad ni Tedros.

“Early results from serology studies are painting a consistent picture: most of the world’s people remain susceptible to this virus, even in areas that have experienced severe outbreaks.

“Many countries that believed they were past the worst are now grappling with new outbreaks. Some that were less affected in the earliest weeks are now seeing escalating numbers of cases and deaths. And some that had large outbreaks have brought them under control.”

The highly restrictive lockdowns enforced to deal with the pandemic earlier this year caused economic turmoil and an effective vaccine may be the only long-term solution to the highly contagious respiratory disease.

“Although vaccine development is happening at record speed, we must learn to live with this virus, and we must fight it with the tools we have,” pagtatapat ng WHO chief.

Samantala, ibinahagi naman ng organisasyon na higit 150 pharmaceutical companies ang nakatutok ngayon sa paggawa ng bakuna, bagamat hindi pa inaasahang magagamit ito hanggang sa unang bahagi ng 2021.