DEAR Manay Gina,
Nahihirapan akong magdisiplina sa aking mga anak dahil sa aking mister. Lagi kasi niyang pinagbibigyan ang mga bata. At pagdating sa mga bagay na kontra ako, sila pa rin ang nasusunod dahil sa pagkunsinti ng mister ko. Kahit may ipagbawal ako, kapag lumapit sila sa aking mister, ay nababali ang aking desisyon. Ano ang dapat kong gawin sa bagay na ito?
Mama Mia
Dear Mama,
Dapat iwasan ng mag-asawa ang pagmenos sa awtoridad ng bawat isa. Ito’y magdudulot ng pagkasira ng pagsasama at pagkawala ng respeto ng mga anak sa isa o sa parehong magulang.
Kausapin mo nang masinsinan ang iyong mister kung paano lulutasin ang suliraning ito. Sa inyong pag-uusap, pagtuunan n’yo lamang ng pansin ang partikular na isyu, at huwag nang idamay pa ang ibang problema. Baka kasi, hindi na kayo magkaintindihan, and you end up talking about 10 issues rather than just 1.
Kapag nasabi mo na ang nais mo, siya naman ang hayaan mong magpaliwanag without interrupting. Pagkatapos, saka n’yo pag-usapan kung ano ang tamang solusyon. At kung wala kayong makitang sagot, magtanong kayo sa ibang successful parents tungkol sa iba’t-ibang istilo ng pagdisiplina sa mga anak. Goodluck!
Nagmamahal,
Manay Gina
“Live so that when your children think of fairness and integrity, they think of you.” —Brown Jr., H. Jackson
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia