KASAMA si Angel Locsin sa mga nagra-rally sa tapat ng opisina ng Legislature of the Philippines nu’ng araw, Hulyo 10 na ibaba ang hatol na hindi bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ng 70 kongresista.
Tumutulo ang luha ng aktres kasama ang mga empleyado at artista ng Kapamilya network, anila, sa panahon ng pandemya maraming kababayang Pilipino ang bumalik ng bansa dahil nawalan ng trabaho, dumagdag pa ang mahigit na 11k plus employee’s ng ABS-CBN? Iba pa ‘yung mga umaasa sa kanila.
Pakiramdam ng aktres ay personalan ang nangyari sa pagpapasara ng ABS-CBN.
Sa Instagram post ni Angel ang larawan ng comics strip ng isang cameraman na nawalan ng trabaho dahil sarado na ang TV network na pinagsisilbihan niya at isinoli na niya ang kanyang company ID. Umuwing bagsak ang balikat at sinalubong ng dalawang anak at niyakap at sabay sabing, ‘kakayanin natin ‘to mga anak.’
Ito rin ang tanong ng lahat, hanggang kailan kakayanin?
Pagkalipas ng ilang araw ay saka lang nagkaroon ng lakas ng loob na muling mag-post si Angel kung ano ang saloobin niya sa pagpapasara ng gobyerno sa network na maraming umaasa hindi lang ang mga empleyado kundi ang mga manonood nito mula Lizon, Visayas at Mindanao bukod pa sa mga natutulungan nila.
“It took a while before I was able to compose myself and feel how I actually felt about the situation. Alam ko I am sad, alam ko I am angry. Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling nung simula.
“Ngayon po na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito.
“Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry.
“I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues. Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuohan. Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula palang po ako.
Katulad ng working hours, contracts, etc. Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers.
“But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems.
“What’s the purpose of those testimonies from laborers fighting for their rights kung dito lang magtatapos? Hindi rin naman sila natulungan. Pinagsalita lang pero iniwan lang rin sa ere. In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions.
“Kumbaga sa health, may sakit po ang entertainment industry. At nalagay ang ating mga kongresista sa sitwasyon na gabayan at ayusin sana. But sadly, the congress chose a rigid path, pulled the plug and ignored the plea of the entertainment people. They chose the easy way out instead of curing the disease.
“Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan? Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?
“Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man. Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget.
-REGGEE BONOAN