Laging trending ang programang Iba ‘Yan ni Angel Locsin dahil sa adhikain nitong maraming matulungan o matugunan ang ilang pangangailangan ng ating mga kababayan.

angel

Base sa mga napanood naming episodes ng Iba ‘Yan ay makikitang naglalaba si Angel kasama ang nabigyan ng tulong na nasa bukid, nagsilbing waitress ng hainan niya ng mga pagkain ang mga jeepney driver na ilang buwan ng hindi nakakabiyahe dahil sa COVID-19 pandemic.

“Gusto namin silang bigyan ng isang araw na hindi muna iniisip ang pinagdadaanan nila, pina-check up din namin sila at binigyan ng mga gamot at vitamins,” pahayang ng Iba ‘Yan host.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bukod dito ay may libreng gupit din ang mga drayber kaya’t tuwang-tuwa ang lahat.

Anyway, ang episode nina Tatay Jimmy at Nanay Emilia na tumira sa jeep dahil hindi makauwi ng bahay nila sa Morong, Rizal dahil inabutan ng lockdown ay pinaayos ng Iba ‘Yan ang kanilang tirahan na dalawang araw palang na-post sa Facebook page ay umabot na kaagad ng 3Mviews.

Naikuwento ng mag-asawa na ang bahay nila sa Morong ay walang gamit maliban sa durabox at kaldero lang ang laman. Pangarap nilang mapagawa ito at mapapinturahan pero walang hanapbuhay dahil sa pandemic.

Kaya naman nang matapos ang bahay ay niyaya na ni Angel sina tatay Jimmy at nanay Emilia na umuwi na ng Morong para makapagpahinga sila ng maayos dahil mahirap tumira sa jeep bukod pa sa hindi ka ligtas lalo’t tumataas ang kaso ng COVID-19.

Laking gulat ng mag-asawa nang makita nila ang kanilang bahay dahil sa laki ng pagbabago nito kaya’tnapahagulgol sina tatay Jimmy at nanay Emilia at maging si Angel ay hindi rin napigilang maluha.

Ayon kay nanay Emilia, “Hindi ako makapagsalita sa saya dahil ‘yung pangarap ko sa bahay na ito, nakamit ko na. Maraming salamat ABS-CBN, maraming salamat sa inyo, sa Iba ‘Yan at kay Ma’am Angel.”

At dahil parehong senior citizen na ang mag-asawa ay pinatayuan sila sa harap ng bahay nila ng tindahan ng Iba ‘Yan na punumpuno ng paninda para may hanapbuhay sila bukod pa sa siomai, bola bola at iba pang puwedeng lutuin sa harap ng bahay nila.

Marami ang nagpapadala ng sulat para ikuwento ang dinaranas na buhay sa Iba ‘Yan kaya maraming sumusubaybay na hoping na isang araw ay kuwento naman nila ang mapanood sa programa.

—Reggee Bonoan