Ni-launchna ng Department of Health (DOH) ang kanilang Bida Solusyon Sa COVID-19 campaign na si Alden Richards ang celebrity ambassador. Suportado ang DOH sa kampanyang ito ng USAID, IATF, at ang National Task Force on COVID-19. Ipinakilala si Alden bilang “Bida Champion.”
Ang ibig sabihin ng BIDAay “B-for Bawal Walang Mask, I-for I-Sanitize Ang Mga Kamay, D-for Dumistansya Ng Isang Metro, at A-for Alamin Ang Totoong Impormasyon. Kung susundin lang ng mga tao ang BIDA, maiiwasan ang pagdami ng infected ng COVID-19.
Isa lamang si Alden sa celebrities na kinuha ng DOH para tumulong na ipalaganap ang kanilang iba’t ibang kampanya. Nauna na nilang kinuha sina Jodi Sta. Maria, JC Santos at Bela Padilla. Ang pinakahuling Ambassador ng DOH ay ang kapwa Kapuso actor ni Alden na si Dingdong Dantes na ang natatandaan namin ay tungkol sa tamang paghuhugas ng mga kamay.
Ang intende namin kapag ambassador ng DOH, walang talent fee ito, kaya hindi maaakusahan ang mga celebrity na kumita sila sa pagbibida sa kampanya ng DOH. Lalo na sa kaso ni Alden na mainit ang mga mata ng tao sa DOH dahil sa akusasyon na kulang ang ginagawa ng sa ahensiya para malabanan ang coronavirus pandemic.
Samantala, mapapanood na muli si Alden sa airing ng All-Out Sundays: The Stay Home Party this Sunday (July 12), sa bagong time slot na 12:45pm. Sabay itong mapapanood sa online via the network’s official social media pages.
-NITZ MIRALLES