KUNG tuluyan nang mailagay sa Modified General Community Quarantine ang National Capital Region (NCR) malaki ang posibilidad na magbalik sa aksiyon ang horse-racing sa Hulyo.

SANCHEZ

SANCHEZ

Ito ang positibong tugon ni Kenneth Ronquillo, Head of Secretariat of the Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF-MID), sa sulat ni Philippine Racing Commission Chairman Andrew A. Sanchez, kung saan hiniling ng ahensiya ang pagbabalik ng horse-racing matapos ang halos tatlong buwang pagkalugmok sanhi ng COVID-19 pandemic.

“The plan is to resume races, but only during the weekend for six straight weeks starting on July 19 or possibly 18 at the San Lazaro Leisure Park in Carmona, Cavite, before the two other racing clubs take their equal turns to host the weekend races,” pahayag ni Sanchez.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

Batay sa programa ng Philracom, maaaring magsagawa ng karera sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Agosto 8 at  9, habang ang Saddle and Clubs Leisure Park ng Philippine Racing Club sa Naic Cavite, ay handa para sa weekly races sa Hulyo 24 at 25 at Agosto 15 at 16. Ang  Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas, ay puwede sa Agosto 1, 2, 22 at 23.

Malaki ang kontribusyon ng horse-racing industry sa ekonomiya ng bansa batay sa tax na nakukuha mula rito. Sa nakalipas na dekada, may average na P1.3 billion ang nakuhang taxes sa karera,kabilang ang P1,352,930,422 sa nakalipas na taon .

Kung maisasakatuparan, plano ng Philracom na magsagawa ng maximum 10 races mula sa dating 12, at pagbabasehan ang Rating-Based races para sa karera tuwing Linggo (Priority Day). Sa sitwasyong may sumobra sa 10 ang entry, isasama ang programa sa Sabado (Reserve Day) na may maximum na pitong races.

Iginiit ng Philracom nam may guarantee gross prize na P200,000 para sa karera sa Linggo.

“We will start the races by 1 p.m. from the usual 3 p.m. on Sunday so that aficionados and those involved in the conduct of the races will be home early,” sambit ni Sanchez.

Sa pagbabalik ng karera, isasagawa ng Philracom ang rastikong panun tunan batay sa ipinapatupad ng Bayanihan Act.

Hindi papayagan ang live na panonood ng mga parokyano, habang ang mga racing clubs' employees, Philracom personnel, horse-owners, jockeys, trainers at special guests ay may linya sa bawat venues bilang paniguro na makakamit ang 25 percent na dami ng tao sa karerahan. Ipatutupad din ang mahigpit na panuntunan para sa mga tataya sa Off-Track Betting Stations.

“That six-week period will determine whether we will increase the frequency of races,” pahayag ni Sanchez.

Aniya, sisimula ng Philracom ang stakes races sa August 30 (3YO Maiden Stakes Race and Road to the Triple Crown Stakes Race).

Ang mga nakalinyang malalaking stakes races ay ang P5 million Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup sa Dec. 20, the Triple Crown Series, sa Sept. 20, Oct. 18 at Nov. 15, na may  combined prize money na P9 million, ang P2 million Sampaguita Stakes Race (Sept. 6), ang P2.5 million Juvenile Championship (Dec. 27) at P2 million Chairman's Cup (Dec. 13).