WALONG indibidwal na pawang sangkot sa illegal na tupada sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pinatawan ng banned ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines, Inc. (UACOOP).

sabong

Sa sulat ni UACOOP president Eric Dela Rosa kay Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na may petsang Abril 24, 2020, ipinabatid ng asosasyon ang pagpataw ng banned o pagbabawal na makapasok sa besinidad ng Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Manila Arena, at sa lahat ng mga miyembrong cockpit arena ng UACOOP sa buong bansa kina Ronnie Ignacio, Christopher Delos Reyes, Brix John Rolly Reyes, Alfie Lacson, Romualdo Reyes, John Cris Domingo at kina alyas ‘Kabron’ at ‘Macmac’.

“These personalities are allegedly behind various illegal cockfighting activities, a violation of policies set forth by His Excellency President Rodrigo Duterte while Luzon is currently under the Enhanced Community Quarantine,” pahayag ni Dela Rosa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna nang sinabihan ng GAB ang UACOOP hingil sa laganap na illegal na tupadahan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa bunsod ng pandemic na Corona Virus (COVID-19) hindi lamang sa bansa bagkus sa buong mundo.

“We inform our cockfighting community about the Bayanihan Act. Marami kaming natanggap na reklamo na may nagsasagawa ng mga illegal na tupada. This activities are clearly violations of Article 151 of the Revised Penal Code,” sambit ni Dela Rosa.

Iginiit ni Mitra na ang cockfighting community ay isa sa binigyan pansin ng kanyang administration sa layuning ma-professionalized ang lahat ng stakeholders sa pinakamatandang libangan ng mga Pinoy.

“GAB makes sure na maprotektahan ang lahat ng stakeholders sa cockfighting kaya lahat kahit yung magtatare, eh isinailalim namin sa training at binigyan ng lisensya para na rin sa kanilang proteksyon,” pahayag ni Mitra.

“Kaya nakakalungkot ang mga  balita na mayroon pa ring gumagawa ng illegal na tupadahan. Nagpapasalamat kami sa ating mga kaibigan sa UACOOP sa mabilis nilang pagtugom sa naturang usapin,” pahayag ni Mitra.

Wala namang ipinahayag ang UACOOP kung hanggang saan magtatagal ang naturang banned.   EDWIN ROLLON