“TEST, test, test”. Ito ang payo ng World Health Organisation upang matagumpay na malabanan ang nakamamatay na new coronavirus (COVID-19) pandemic. Madali lamang kung iisipin. Ngunit bakit maraming bansa ang hindi nakasusunod dito?
Habang pinupuri ang mga bansang tulad ng South Korea para sa disidido nitong aksyon upang makontrol ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng mass screening, ayon sa mga eksperto maraming bansa ang hindi kinakaya ang ganitong paraan.
Ito rin ang inamin nitong Lunes ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na sinabing batid ng organisasyon na “some countries are struggling with the capacity to carry out these offensive measures.”
Gayunman, nanatili ang kanyang mensahe:”To win, we need to attack the virus with aggressive and targeted tactics -- testing every suspected case, isolating and caring for every confirmed case, and tracing and quarantining every close contact.”
Ang test na tulad ng tinatawag na RT-PCR, ay nakadisenyo na may kakayahang matukoy ang virus sa respiratory specimens mula sa nasal o oral swabs, base sa genetic analysis. Ilang oras lamang ay makukuha na ang resulta nito.
Ngunit ang testing level ay nagkakaiba-iba sa mundo.
“It all depends on the level of development of the countries,” pahayag ni Antoine Flahault, specialist in public health and epidemiology sa University of Geneva.
Matatandaang ang South Korea ang unang bansa na pinakamatinding tinamaang bansa ng COVID-19 sa labas ng China. Tinugunan nila ito ng malawakang screening campaign, kung saan nakapagsagawa na sila ng 300,000 tests.
Isinasailalim ng mga awtoridad sa quarantine ang mga apektadong tao at kasabay ng malawakang tracing program upang matukoy ang mga taong nakasalamuha ng taong nagpositibo sa pamamagitan ng video surveillance, bank card usage at smartphone.
Bilang resulta sa hakbang na ito, bumagsak na ang kanilang kaso na halos 100 kaso kada araw.
Ang agresibong testing strategy ang nakatulong din sa Singapore, na bagamat nagpatupad ngayong linggo ng month-long shutdown ng bars at pagbabawal ng mga
mass gatherings.
Kapwa naiwasan ng dalawang bansa ang malawakang lockdown na ipinatutupad ngayon sa maraming ibang bansa, na malaki ang epekto sa ekonomikal at panlipunang kalagayan.
KAKULANGAN
Hindi kasing lawak ng ipinatutupad ng testing ng South Korea ang ipinatutupad sa mga bansa sa Europa, na kalimitang nakatuon lamang sa mga nasa ospital na may matinding sintomas.
Ayon kay Flahault, ang isyu ay hindi kawalan ng kakayahan ng makapag-test, ngunit ang kakulangan ng materyales na kailangan.
“For countries like France and Switzerland, the problem in recent days has been more that of the availability of reagents (substances used in chemical testing process) than machines or human resources,” aniya.
Hindi ito nararanasan ng mga bansang South Korea at Singapore, na ayon kay French virologist Anne Goffard ay nakakuha ang dalawang bansa ng karanasan mula sa pagharap sa iba pang epidemyang dulot ng coronaviruses – ang SARS, noong 2002, at MERS makalipas ang dekada.
Ito ang nakatulong sa kanila na maging mas handa, aniya.
Sa mas mahihirap na bansa, ang testing ay higit na mahirap na kaso.
Sa Pilipinas, sinabi ni infectious disease specialist Edsel Salvana na maaaring ilihis ng testing ang kulang na pangangailangan para sa mahahalagang kagamitan, tulad ng personal protective equipment (PPE) para sa mga health workers.
Sa isang komento sa Twitter, kinutya niya ang pagtuon sa testing – “WHO this is CRIMINAL” -- and urged a more nuanced approach for resource-stretched nations.
“I admire what South Korea did and I would do that if we had as much money and resources. But we don’t, and my colleagues are wearing trash bags for PPE,” aniya.
MALAWAKANG TESTING
Sa isang pagtataya na inilimbag ng Washington Post, sinabi ni US epidemiologist Marc Lipsitch na: “The best strategy depends critically on which stage of the outbreak you are in and how much testing is available.”
Aniya, nalampasan na ng mga bansang tulad ng US ang sitwasyon kung saan na-trace ang mga indibiduwal na kaso.
Gayunman, aminado pa rin siya na bagamat kailangang ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown upang makontrol ang virus, “we must vastly expand our testing capacity”.