TULOY sa ensayo, ngunit may kasamang pag-iingat ang ginagawa ni Olympic bound pole vaulketr Ernest John Obiena sa pasilidad sa Italy.

Mataas ang umero ng mga biktima ng COVID-19 sa Italy, ngunit kumpiyansa si Obiena na malalagpasan ito ng buonmg mundo.

Kasalukuyang nasa Formia so Obiena – isa sa lugar sa Italy na may mababang kaso ng coronavirus ..

“So far, my mga testings dito everytime na papasok kami ng training centers, may mga lockdown at nagstock up na kami ng pagkain kasi skeletal force lang ang lumalabas dito,” ani Obiena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isa si Obiena sa mga nagpasyang manatili sa Italy para ipagpatuloy ang training. May limang tracksters ang kasama nito sa camp - tatlong Italians, isang Brazilian at isang British.

Naghahanda si Obiena para sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

Ayaw ni Obiena na magpaapekto sa mga naglalabasang ulat para hindi mawala ang focus nito sa training.

Ilang mga grupo na ang nananawagan na kanselahin muna ang Olympics dahil hindi pa humuhupa ang krisis sa coronavirus.

Ngunit walang balak ang gobyerno ng Japan na ipagpaliban ito.

K i n a t i g a n d i n n g Int e rna t iona l Olympi c Committee ang pahayag ng Japan dahil masyado pang maaga para agad na magdesisyon sa kanselasyon.

Kaya naman tuloy lang sa ensayo si Obiena.

“For us, athletes, Olympics is the pinnacle of everything, of all your career and this is my first Olympics. Then, there’s a chance na hindi pa matuloy,” ani Obiena.

Nagpasalamat si Obiena sa Italian Olympic Committee na nangangalaga sa kanila sa Formia.

“Their Olympic Committee is taking care of us too. As athlete, yung buhay natin umiikot sa sports pero sa panahon ngayon merun pang mas importantanteng bagay na umiikot sa sports,” aniya.