DAVAO CITY – Dagok sa Davao Occidental-Cocolife ang nakarating na balita – ilang oras bago ang sudden death Game 3 laban sa Bicol-LCC Stores – na hindi makalalaro ang na-injured na pambato nilang si Mark Yee.

TUNAY na lider ng Davao Cocolife si Mark Yee.

TUNAY na lider ng Davao Cocolife si Mark Yee.

Napagalaman na nagtamo ng ‘torn plantaris muscle’ sa kanang tuhod ang 6-foot-3 na si Yee sa Game 2 ng kanilang quarterfinals playoff sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan South Conference. Posibleng dalawang buwan ang kailangang bunuin ni Yee para maipahinga ang katawan.

Higit ang nadamang panghihinayan ng koponan nang lumabas sa MRI results ilang oras bago ang Game Three na higit pa sa inaasahan ang tunay na kalagayan ng 38-anyos na forward – ‘partial anterior cruciate ligament tear and a torn calf’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, isinantabi ni Yee ang kalagayan at payo ng mga doctor, at dumating sa bench para sa krusyal Game 3 nitong Miyerkoles sa RMC Petro Gazz Gym dito.

“He has a partial tear in his ACL and a torn calf. The doctors told me that he was not supposed to play but Mark came up to me and said that he wanted to fight,” pahayag ni Tigers head coach Don Dulay.

“What can I say to a guy who wants to fight? You have to let him fight!”

Sa saliw ng hiyawan ng local crowd, pumasok sa laro si Yee may 3:46 ang nalalabi sa first half. Sa Kabila ng kalagayan, matika sna nakihamok si Yee sa rebound at depensa.

Sa nakitang sakripisyo ni Yee, higit na nag-alab ang determinasyon ng Tigers, higit sa mga bihirang paglaruin na sina Jerwin Gaco, Kenneth Mocon, at Richard Albo.

“Sobrang fighter ni Mark. Kahit may injury siya at kahit hindi siya pinayagan maglaro, pinakita niya sa amin na laban siya,” pahayag ni Gaco, kumana ng 10 puntos at walong rebounds.

“Kaya kami lumaban din kami para sa kanya,” aniya.

Umabot ang dikitang laban sa overtime. At sa extra period, na-fouled out ang big men ng Tigers na sina Gaco at Billy Ray Robles. Sa gipit na sitwasyon, wala nang nalalabing alternatibo kundi palaruin si Yee.

“I was concerned about his health but Mark wanted it bad. You got to let him play,” aniya.

At hindi binigo ni Yee ang tropa at ang mga kababayan.

“Papunta pa lang kami dito, sinabi ko na na panalo kami rito,” sambit ni Yee, kumana ng apat na puntos sa overtime, bukod sa anim na rebounds at tatlong steals.