Dear Manay Gina,
Limang buwan na kaming magkarelasyon ng aking nobyo. Ang problema ko ay tungkol sa pagtutol sa kanya ng aking parents.
Hindi siya perpekto at hindi rin guwapo pero gustong-gusto ko siya dahil mabait, mapagmahal at masikap sa buhay. Magalang siya sa aking magulang kahit na alam niyang tutol sila sa kanya. Ang madalas na sumbat sa akin ng parents ko, hindi raw sila gumagastos ng malaking halaga sa aking pag-aaral para mag-asawa lang ako ng isang laborer. Hindi kasi siya naka-graduate sa kolehiyo subalit may steady job naman at napakasipag. Masakit man ang loob ko, wala naman akong magawa.
Maita
Dear Maita,
Ang mababang pagtingin nila sa ‘yong nobyo ay mahirap mo nang baguhin. Pero upang mapalamig ang sitwasyon, ipaalala mo sa kanilang si Jesus Christ ay isang karpentero, naghahanap ka ng may MBA, at sa kasalukuyan, 100 percent ng atensiyon mo ay nakatuon sa ‘yong studies.
In other words, ilayo mo ang atensiyon sa usapin ng puso. Pagkatapos, magtiyaga kang maghintay sa tamang panahon, kung kailan independent ka na at may sapat nang gulang upang makapagdesisyon para sa iyong sarili. And then, have a wonderful life with your fella. Nagmamahal,
Manay Gina
“The greatest oak was once a little nut who held its ground.“ --Author Unknown
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia