Isa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa 52 awardees ng 12th Ani ng Dangal na iginawad ng Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa seremonya sa Malacanang Palace, nitong Miyerkules ng gabi.

Alden at Malacanang 02262020

Nag-post si Alden sa kanyang Instagram na, “It’s an honor to receive one of these from NCCA and Malacaῆang. Thank you for this recognition. So timely that we are celebrating Arts month this Feb. Congratulations to all the recepients of the 12th Ani ng Dangal Awards.”

Naging panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte at nakipag-photo-op siya sa mga dumalong awardees.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang Ani ng Dangal (Harvest of Honors) Award ay kumikilala sa

“artists who earned international awards and accolades from the year 2019.” Isa ito sa highlights ng National Arts Month, na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Pebrero, by virtue of Presidential Proclamation No. 683 na nilagdaan noong 1991.

Sa taong ito, 2020, ang award ay ibinigay sa isang (1) artist for Architecture and the Allied Arts, seventeen (17) acts in Cinema, seven (7) awards in Dance, three (3) in Literary Arts, eight (8) in Music, and sixteen (16) in Visual Arts.

Nakasama sa awardees si Alden for winning the Asian Star Prize at the 14th Seoul International Drama Awarrs in South Korea last year.

Ang kasaama niyang awardees sa Cinema category: Angeli Bayani, Barbara Miguel, Crisel Consunji, Dante Rivero, Judy Ann Santos-Agoncillo, Jun Robles Lana, Kristopher King, Mamang (produced and directed by Denise O’Hara), Martina Eileen delas Alas-Sibayan (Ai Ai delas Alas), Maxine Eigenmann, Musmos na Sumibol sa Gubat ng Digma (Mac Cosico), Palabas: A Country in Moving Pictures (roduced and directed by Arjanmar H. Rebeta), Rina Marie Padilla Raymundo, Rody Vera, Signal Rock (Produced and Directed by Chito Roño) at Wing Chair (produced and directed by Arjanmar H. Rebeta).

So far, puro “congratulations,” “you deserve it” at “happy for you” ang nababasa naming comments sa IG ni Alden.

Kabilang sa mga nag-congratulate kay Alden ay si Megan Young na ang sabi, “Congratulations, Starlord!” na ang pangalan ni Alden sa Mobile Legends ang ginamit. Mga gamer kasi sina Alden at Megan pati na ang husband ni Megan na si Mikael Daez.

Also, mukhang nangongolekta ng awards si Alden dahil February pa lang, ang dami na niyang natanggap na awards at siguradong masusundan pa ang award niya sa Ani ng Dangal.

-NORA V. CALDERON at NITZ MIRALLES